ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Cosmetic eye surgery, natural calamities, animal products and asparagus
Episode on May 31, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Cosmetic Eye Surgery The first thing you notice when looking at a person's face is their eyes. A famous quote even described the eyes as the "windows to the soul." That's why some people will go to great lengths to beautify their eyes. Thanks to cosmetic eye surgery, it is now possible to alter the shape of one's eyelids, remove eyebags and enhance eyelashes. For instance, actor Philip Salvador had his unsightly eyebags removed, Mitos had surgery to have bigger eyes while Marissa opted to have an eyelash transplant. Although cosmetic eye surgery can come with a very steep price, beauty experts say there are cheaper alternatives for those on a budget. Make-up artist James Galvez and socialite Tessa Prieto share some tips and techniques on how to have beautiful eyes. Pilipinas: Handa nga ba sa Kalamidad? Since the Philippines is part of the "Pacific Ring of Fire," our country is prone to earthquakes, volcanic eruptions and typhoons. After our neighboring countries were recently hit by natural disasters, such as the typhoon in Myanmar and the earthquake in China, many Filipinos are asking if the Philippines is ready to face such calamities. Last May 20, several people were alarmed when a huge tornado was spotted over the sea of St. Bernard in Southern Leyte. Thankfully, the tornado did not reach St. Bernard. The town is yet to recover from the landslide it experienced in 2006. Last week, a text message circulated warning that a high-intensity earthquake was going to hit the Philippines. The worst earthquake that hit the country happened in July 16, 1990. Although the warning turned out to be a false alarm, it should still be assessed whether our buildings and structures are already earthquake proof, particularly in those cities which were badly damaged by the 1990 killer quake. Because of heavy rains, a wooden post hit the wall of the creek in Gawad Kalinga, Brookside, Quezon City. The accident triggered a flash flood that almost swept away seven families. In light of these events, how prepared is the Philippines in the face of such calamities? More than this, does the government have enough funds to address damages caused by natural disasters? Hayop na Produkto! Aside from being pets or food sources, animals are now being used to make various by-products for sale. For instance, a farm in Nueva Ecija breeds ostriches not only for its meat but also for its oil which they use as an ingredient to make soaps, body wash and other facial products. In Pampanga, Ka Efren is a mainstay at slaughter houses of cows and carabaos. He collects the animals' horns to make different decors. But other people deliberately capture animals to make them into accessories. In Palawan, residents make keychains out of the monitor lizards' feet, squirrels' tails and other insects. On the other hand, the People for Ethical Treatment of Animals (PETA) oppose such activities. According to PETA, animals also have rights that need to be respected by humans. Asparagus Asparagus is said to be the rich man's vegetable because it can often be ordered in high-class restaurants. Old Manila, a fine dining restaurant in Peninsula Manila, even held an "Asparagus Fest" with various gourmet dishes featuring the White Asparagus as the main ingredient. Despite it's high-class image, the asparagus is actually abundant in the Philippines. Thanks to our tropical climate, the Philippines is one of the major suppliers of asparagus worldwide. Most of the asparagus the country exports to countries like Japan and Australia come from the farms of Polomolok, South Cotabato. Because of the abundant supply of asparagus, residents of Polomolok have concocted other products and inexpensive dishes made of this vegetable such as "Pickled Asparagus," "Inihaw na Asparagus" and "Asparagus Salad."
Cosmetic Eye Surgery Ang mata ang kalimitang unang napapansin tuwing tumitingin tayo sa tao. Tinagurian din itong âwindows to the soul." Kaya naman ang iba, gagawin ang lahat maging maganda lang ang kanilang mga mata. Salamat sa cosmetic eye surgery. Dahil ngayon, posible ng ayusin ang talukap ng mata, tanggalin ang eyebags at magkaroon ng kaakit-akit na pilik mata. Tulad na lang ng aktor na si Philip Salvador na pinatanggal ang kanyang mga eyebags na lumalala raw dahil sa kanyang mga tapings. Si Mitos naman sinong mag-aakala na dati siyang singkit? Pinaayos na rin kasi niya ang kanyang mata. Habang si Marissa naman piniling magpa-eyelash transplant. Ilan lamang ito sa mga operasyon na pwede ngayong gawin sa ating mata. Yun nga lang medyo may kamahalan ang mga ito. Mabuti na lang at may mas murang alternatibong paraan na ibabahagi ang make-up artist na si James Galvez at ang socialite na Tessa Prieto para mapaganda ang ating mga mata. Pilipinas: Handa nga ba sa Kalamidad? Bahagi ang Pilipinas ng âPacific Ring of Fire" ibig sabihin, madalas ditong may nagaganap na lindol at pagsabog ng bulkan. Idagdag pa riyan na daanan din ito ng bagyo. At dahil ang mga kalapit na bansa ng Pilipinas ay tinamaan kamakailan lang ng ibaât-ibang kalamidad, tulad ng mapaminsalang bagyo sa Myanmar at malakas na lindol sa China, tanong tuloy ng karamihan gaano nga ba kahanda ang ating bansa sa ganitong natural calamities? Nito lamang Mayo 20, marami ang naalarma nang makuhanan ng video ang isang namuong buhawi sa karagatan ng St. Bernard, Southern Leyte. Mabuti na lang at hindi na ito umabot pa sa bayan mismo ng St. Bernard, na hindi pa man din tuluyang nakakabangon mula sa nangyari ditong landslide noong 2006. Kumalat din nitong nakaraang lingo sa mga text ang babalang sa Pilipinas daw tatama ang susunod na malakas na lindol. Matapos ang July 16 earthquake noong 1990, mas matibay na nga ba ang ating mga gusali partikular na sa mga lugar na napinsala dati ng killer quake? Dahil naman sa biglang malakas na pagbuhos ng ulan, humampas ang poste sa isang dingding ng creek sa Gawad Kalinga, Brookside, Quezon City, na naging dahilan para magka-flashflood sa kanilang lugar. Dahil dito, mahigit 7 pamilya ang muntikang tangayin ng rumaragasang putik, basura at adobe mula sa nasirang dingding ng creek. Gaano nga ba kahanda ang ating bayan sa mga kalamidad at sakuna? Higit sa lahat may sapat nga ba tayong pondo sa sandaling mabiktima tayo ng mga kalamidad? Hayop na Produkto! Maliban sa alagaan at kainin, may mga nakaisip ng ibang paraan kung paanong pakikinabangan ang mga hayop. Tulad na lang ng mga nag-aalaga ng ostrich sa Nueva Ecija, natuklasan nilang mula sa oil nito, pwede palang makagawa ng sabon, body wash at iba pang facial products. Si Ka Efren naman ng Pampanga laging laman ng mga slaughter house ng kalabaw at baka. Ang sungay kasi ng mga ito ginagawa niyang ibaât-ibang klase ng palamuti. Pero may iba, nanghuhuli at pumapatay pa ng hayop para lamang gawin itong pandekorasyon. Tulad na lang ng ibang mga taga-Palawan, gumagawa sila ng mga key chain mula sa paa ng bayawak at buntot ng squirrel. Hinuhuli rin nila ang mga insekto para gawing key chain o palamuti. Ang mga gawaing ito ang mariing tinututulan ng PETA o People for the Ethical Treatment of Animals. Anila ang mga hayop, tulad nating mga tao meron ding mga karapatan at hindi dapat pinampapalamuti lamang. Asparagus Kilala ang Asparagus bilang gulay na pang-mayaman, kadalasan daw kasi itong naoorder sa mga sosyal na restaurant. Gaya na lamang sa Old Manila, high-class restaurant sa Peninsula Manila kung saan kasalukuyan silang may Asparagus Fest. Dito pwede kang mamili ng ibaât-ibang luto ng White Asparagus na galing pa sa Germany. Sosyal man ang imahe ng asparagus, lingid sa kaalaman ng lahat, isa ang Pilipinas sa mga major suppliers nito sa buong mundo. Pilipinas at Thailand lang kasi ang kayang magbigay ng year-round supply ng Asparagus dahil sa mga tropikal nitong klima. Sa mga bukirin naman ng Polomolok, South Cotabato nanggagaling ang karamihan sa mga asparagus na ineexport natin sa Japan at Australia. At dahil maraming asparagus ang kanilang naaani, nakaisip ang mga taga-Polomolok na gumawa rin ng ibang produktong gawa sa Asparagusâ¦kasama na ang kanilang Pickled Asparagus. At sa mga bahay bahay ng mga magsasaka rito, kayang-kaya rin nilang gumawa ng mga murang putahe mula sa asparagus tulad ng âInihaw na Asparagus" at âAsparagus Salad."

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular