ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa” Sung by Glaiza de Castro


On its finale, “Katipunan” produced a song based on Andres Bonifacio’s notable piece of poetry—”Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa”—which he used to encourage nationalism among Filipinos at the time.

Sung by “Katipunan” actress Glaiza de Castro, the song followed the original title of the poem. De Castro played the role of Gregoria de Jesus, the Supremo’s loving wife and also one of the pillars of the KKK.

“Katipunan”, an eight-part docudrama by GMA-7, portrayed the life not only of Andres Bonifacio but also of his fellow Katipuneros who offered their lives to defend the Philippines from Spanish colonizers.

Listen to the song “Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa” here:



Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa by Glaiza de Castro

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan; Saan tatanghalin?

Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugong ubusing itigis

Kung sa pagtatanggol buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niya ring buhay na nilantang sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muli’y manariwa sa baya’y lumiyag

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

—Isabelle Laureta/CM, GMA News