Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'New Normal'

Diskarte is the key ngayong Biyernes sa ‘Family Time’!


 

Family Time
Diskarte is the Key
August 28, 2020

Sa panahon ng pandemiya, diskarte is the key! Iyan ang ipinakita ng ilang mga Pinoy nang harapin nila at ng kani-kanilang pamilya ang mga pagsubok. Alamin ang nakakapagbigay ng pag-asa na mga kuwento sa Family Time.

Nawalan ng kabuhayan ang pamilya ng grade 10 student na si John. Pero ibang level ang diskarte niya para matulungan ang nagpalaki sa kanya na lolo’t lola niya. Hello sa mga plantito at plantita si John. Siya’y naging supplier ng lupa at mga paso!

Habang si Eric ng Camotes Island, Cebu, hindi naging hadlang sa kanya na ipinanganak ng walang braso at isang binti. Pagpipinta ang naging libangan niya at nang magkaroon ng sakit ang ama, naibenta ang mga obra para makatulong sa gastusin ng pamilya.

Naging viral naman ang kuwento ni Papa Roderick. Dahil nang mawalan ng tirahan, dumiskarte at ginawang bahay nilang mag-aama ang kanyang pedicab! Bawal mamasada kaya para kumita ng pera, cellphone repairman ang naging diskarte niya.

Talaga namang kahanga-hanga ang mga kuwentong ito! Siyempre, hindi nalalayo na may mga buong pusong nais silang tulungan. Kasama riyan si Drew na may sorpresang nag-aantay para kay Papa Roderick! 

Abangan ang lahat iyan ngayong Biyernes 830pm dahil Family Time is the best time!

(English)

Filipino ingenuity shines on Family Time in this episode. Grade 10 student John sells soil and pots for plants as a way to help his grandparents during the pandemic. Meanwhile, Eric who was born with no arms and one thigh, learned to draw and paint. His masterpieces became a source of income to help with his father’s medical bills. After living in his pedicab with his family, Roderick found fame online. But it is his dedication to earn a living amidst the pandemic that caught Drew’s attention. What surprise awaits Roderick and his family? Check out all these and more on Friday, 830pm because Family Time is the best time!

Tags: familytime