Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bright Side'

Mga food paandar at frontliners gimik, ngayong Martes sa 'Bright Side'!


 

“FOOD PAANDAR ,  FRONTLINERS GIMIK  at  INABRAW NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE!”

Ngayong Martes, hindi lang mabubusog ang inyong tiyan sa masasarap na pagkain---mabubusog din ang inyong mga mata at puso dahil siguradong maaaliw kayo sa nakatutuwang handa sa Bright Side!

Ang Comedy Queen na si Ai-ai de las Alas, naghanda ng masarap na pandesal at hindi lang ito basta tinapay kundi cute na cute na mga Rainbow Pandesal. Mayroon ding ihahanda na kakaibang tinapay na  siguradong manghihinayang kayong kainin dahil sa mga nakaukit na larawan dito katulad ng mukha ni Kara David at iba pang  larawan.

Shoutout  sa mga plantitos and plantitas,  nakakita na ba kayo ng halaman na nasa paso at pwedeng kainin? Ang usong uso na “snake plant” na ito” , isa palang cake! Sa mga millenials naman na mahihilig sa milktea, huwag kayong mamalikmata dahil cake rin iyan. Kasama rin sa handaan ang Lumpia at Siomai pero served like a Cake din!

Ngayong panahon ng pandemya,  malaking pagpupugay ang nararapat na ibigay sa ating mga Frontliners.  Kasama ng mga magigiting nating mga doctor at nurse,  makiikila natin  ang iba pang frontliners na hindi lang kahanga-hanga--- nakakainspire at nakaka-aliw pa!  Isang dentista  na mala-astronaut na ang itsura maka “survive” lang sa New Normal.   Isang Hospital maintenance worker sa Davao na isa ring Tiktoker.  At kilalanin ang mga Bakliners o Baklang Frontliners ng Sultan Kudarat,  mga barangay workers na tila rumarampa habang nag aayuda.

Sa Good Eats, kilalanin ang “Inabraw”, isang putaheng Ilokano na may sabaw at bida ang sari-saring gulay. Siguradong kainang busog sa katatawanan ito dahil kasama ni Kara sa pagluluto ang  komedyanteng si Pekto!

Mas lalong pinasaya ang mga kwento tuwing Martes sa “BRIGHT SIDE” ng NEW NORMAL: The Survival Guide, hosted by Kara David NOW ON ITS NEW TIMESLOT  9:15PM sa GMANEWSTV!