ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taguang Mayaman vs Mahirap, Miss World, at Pinagbiyak na Bunga!


TAGUANG MAYAMAN VS. MAHIRAP, MISS WORLD, AT PINAGBIYAK NA BUNGA! Mga tatamaang isyu ngayong Huwebes ng gabi sa May Tamang Balita Alamin ang mga maiinit na isyung may tama, kasama sina Ramon Bautista, Sheena Halili, Maey Bautista at Boobay. Sa SPECIAL REPORT ng May Tamang Balita, mabusising aalamin ng pinagsamang puwersa ng mga batikan at dalubhasa sa batas at krimen ang pagkakaiba ng style ng mga mayayaman at mahihirap na wanted sa mga maliit o malaking kaso. Mukhang maraming makaka-relate sa isyu, kaya abangan ang mga pasabog na natuklasan ng mga may tamang eksperto! Pero sa kabila ng mga malungkot na balitang dinaig pa ang mga eksena sa mga teleserye at drama, masaya naman ang mga sambayanang nahuhumaling sa mga beauty contest sa pagwawagi ni Miss World-Philippines Gwendolyn Ruais ng 1st runner up sa ginanap na coronation night sa London, England. Kaya naman ang tanong ng May Tamang Balita sa madlang Pilipino, “Ano ang relasyon ng pagkahumaling mo sa mga beauty contest sa kasalukuyang presyo ng tilapya sa palengke?” At sa ikalawang bahagi ng “You’ve Got the Look Alike”, may mga ibubunyag pang personalidad na parang pinagbiyak na bunga ang mga mukha. Sinu-sino sila? Abangan sa Huli-Cam! Syempre hindi pa rin mawawala ang pang-ookray ni Boobay sa mga Twitter post ng mga sikat na pulitiko kasama ng mga balitang gawa-gawa at puno ng kagimbal-gimbal na patama! Pasko na kaya dapat magsaya! Kaya sumama na sa May Tamang Balita ngayong Huwebes ng gabi, 10PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho sa GMA NewsTV Channel 11.