ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagbabayanihan ng mga tao pagkatapos ng bagyong Yolanda, tampok sa 'Motorcycle Diaries'
#bayanihan
MOTORCYCLE DIARIES
Airing date: December 05, 2013
Malalim man ang pinsalang iniwan ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Leyte, wala na yatang tatalo sa tatag ng puso ng mga Pilipino sa pagharap sa trahedya. Ngayong nalalapit ang Pasko, mas umigting pa ang diwa ng pagbibigayan, tulungan at bayanihan ng sambayanang Pilipino para sa kababayan nating pilit bumabangon sa nagdaan ng sakuna.

Sa isang natatanging paglalakbay sa isla ng Leyte, misyon ni Jay kasama ng kapwa niya mga rider na maghatid ng tulong sa mga taong apektado ng bagyo at alamin ang mga hirap na pinagdaanan ng mga kababayan nating napinsala.

Sa Maynila, nagtipon-tipon ang mga grupo ng motorcycle riders and enthusiasts para makalikom ng donasyon at iba pang tulong. Sama-sama ang mga riders sa isang unity ride para magpunta sa iba't ibang barangay para humingi at mangolekta ng mga lumang damit, tubig, pagkain at anumang tulong para sa biktima ng bagyo.

Isang auction din ang kanilang idinaos para makalikom pa ng pondo. Ang lahat ng kinita mula sa registration fee at apat na motorsiklong isinubasta, inilaan para sa mga biktima ng trahedya.

Ang pondo, mga relief goods naman na ito at iba pang tulong na nalikom ang siyang inihatid ni Jay sa Leyte. At nasalanta man ang mga riders mula sa bayan ng Dagami sa Leyte, walang kurap nilang tinulungan si Jay na dalhin ang mga relief good sa mga pamilyang nasalanta... lalo sa mga lugar na hindi maabot ng mga ayuda dahil hirap itong marating ng mga truck. Tanging mga motorsiklo pa lang kasi ang makararaan sa napinsalang daan.

Kasabay nito, nag-donate din ang ilang kababaihan ng breastmilk para sa mga sanggol sa mga lugar na napinsala ng bagyo. Kritikal ang gatas ng ina para sa kalusugan ng mga sanggol. Nasaksihan ni Jay kung paano nadugtungan ang buhay ng isang sanggol sa tulong ng breastmilk na mula sa Maynila na dinala sa Tacloban.
Panoorin ang pagbabayanihan ng mga tao pagkatapos ng pagsubok ngayong Huwebes, 10PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
More Videos
Most Popular