ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagpapatuloy ng '#DavaoExpedition' sa 'Motorcycle Diaries'
#DavaoExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
DAVAO EXPEDITION PART 3
Huwebes, Enero 22
10 PM sa GMA News TV-11
10 PM sa GMA News TV-11
Samahan si Jay sa pagpapatuloy ng kaniyang biyahe sa Davao para sadyain ang mga ipinagmamalaking yaman ng Davao Region at matikman ang sarap ng mga pagkaing tatak Davao.
Sa Davao Crocodile Farm makikita ang mga saltwater crocodile na siyang pinakamalaking uri ng buwaya sa buong mundo. Sa farm na ito, ang mag-amang Danilo at Rey ang nangangalaga sa may isang libo at limang daang buwaya. Pero ang pinakamabigat na hamon sa halos tatlong dekada nilang serbisyo ay ang pag-aalaga kay Pangil – ang pinakamalaking buwaya sa farm na may habang mahigit labingwalong talampakan o halos sintaas ng dalawang palapag na gusali. Kakambal na raw ng pag-aalaga ng mga buwaya ang peligro.




Malaki daw kasi ang pakinabang sa buwaya. Ginagawang sapatos, sinturon at bag ang balat ng buwaya habang ang karne naman nito ang isa sa mga exotic food na hinahanap-hanap at nais matikman ng mga turista sa tuwing magpupunta sa Davao. Ilan sa mga kilalang luto rito ang Buwaya Sisig, Lechon Buwaya at ang panghimagas na Pandan Flavored Buwaya Ice cream!
Isa sa aming binisita sa Davao ang PEC o Philippine Eagle Center. Dito kasi makikita ang isa sa ipinagmamalaking yaman ng Pilipinas, ang ating pambansang hayop – ang Philippine Eagle na isa sa pinakamalaking agila sa buong mundo. Pero kabilang na ito ngayon sa mga critically endangered species. Kaya naman layunin ng PEC na alagaan at muling maparami ang mga ibong ito. Artificial Insemination ang isa sa ginagawa nilang solusyon para maparami ang bilang ng mga agila. At sa center na ito, itinuturing na bayani si Eddie dahil siya lamang ang may kakayahang kumuha ng sperm sample ng mga agila na itinuturing na siyang asawa o ibong kapareha.




Pero kung panghimagas ang pag-uusapan, bida rin sa Davao ang saging; isa kasi ito sa pangunahing produkto ng Davao Region. Kaya naman isang restaurant ang nakaisip na maghain ng iba’t ibang potahe mula sa saging bukod sa panghimagas. Mula nang buksan ang Saging Repablik noong nakaraang taon, agad daw pumatok sa panlasa ng mga tao ang mga putaheng sabadobo o adobong hinaluan ng saging na saba, si-sag o sisig na saging, afrinana o afritadang may banana at gigingka o bibingkang gawa sa saging.




Sa isang sagingan umaasa ng kabuhayan si Tatay Bernardo at asawa niyang si Nanay Laurita. Kahit may edad na siya, araw-araw pa rin niyang inaakyat ang bundok para mag-ani sa kaniyang maliit na sagingan. Pero hindi sapat ang kinikita nila para tugunan ang dinaraing na karamdaman ni tatay Bernardo. Halos isang dekada niya na raw kasing iniinda ang malaking bukol sa kanyang mata.
Angkas na sa ikatlong yugto ng ating Davao Expedition ngayong Huwebes 10 PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV-11!
More Videos
Most Popular