Paano nga ba makakatipid sa kuryente ngayong quarantine?
HOME WORK
AIRING: AUGUST 13, 2020
IWAS-STRESS TIPS, KORYENTIPIDS AT LINIS-KOTSE HACK
Hindi talaga natin maiwasan na ma-stress ngayong may pandemic. At bukod sa ating kalusugan, hindi dapat natinnakalilimutan na alagaan ang ating mental health. Kaya magbibigay ng ilang tips ang TV host na si Lyn Ching sapagkakaroon ng positibong pananaw kahit quarantine.
Ihanda na rin ang inyong mga katawan at sabayan sina Tonipetat Rovilson sa kanilang yoga session. Isa itong mind and body exercise na maaaring makatulong sa pag-alis ng stress sa atingkatawan.
Ayon kay Denise Gonzales-Bernado, isang Vinsaya Yoga instructor, With everyday life, the stress of everything, we are not aware that we are breathing very shallow. When you do yoga, it really asks you to go into your breath. Then, we are able to calm the mind, the body and the nerves.
Bukod sa pandemic, isa pang iniisip natin ngayong quarantine ang bayarin sa koryente. Kaya to the rescue si Tonipet at Engineer Cris Alidon, power system professional, sa pagbibigayng koryentipid tips.
Isa sa mga payo ni Engineer Alidon, alamin at suriin ang mgagamit sa bahay na may mataas na konsumo ng koryente, Ang prinsipyo is lesser use and lesser rating. Lesser use ang appliances natin, mas makakatipid. Pangalawa is the lesser rating, kapag tinignan ninyo ang appliances natin, may tinatawag tayo na watts. W-A-T-T-S. Iyan ang measure kung gaano kalakas nag pagkonsumo ng koryente.
At dahil madalas tayong stay at home, ang ating mga sasakyanbihira na ring magamit. Pero hindi dapat natin silamakalimutang i-maintain kahit naka-park lang sila sa garahe.Kailangan sinusuri pa rin natin ang engine oil, battery at mgasensor isang beses sa isang linggo.
Tututruan din tayo ni Rovilson ng mga simpleng car cleaning hack gamit ang alcohol, suka, baking soda, toothpaste, medyasat lumang diyaryo.
Tutukan ang mga ibabahagi naming hacks at tips sa usapin ngkoryente, mental health at car cleaning sa Home Work. Huwebes, 8:30PM sa GMA News TV.