ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bagong Buhay sa 'Out of Control'


Bagong Buhay
Out of Control
Airing date: January 11, 2014


Sa pagsisimula ng bagong taon, babalikan at kakamustahin ng mga host ng Out of Control na sina Mariz Umali at Rocco Nacino ang mga nakilala nating kababayan na may mga karamdaman sa isipan at may mga malalalim na problemang emosyonal.



Si Nanay Openg, na isang compulsive hoarder – o taong di mapigilan ang pagkolekta sa kung anu-anong bagay – pumayag noon na ipalinis ang labas ng kanyang bahay na may tambak-tambak na basura. Dalawang trak ang nahakot ng Out of Control, pero ang mga gamit niya sa loob ng kanyang bahay, di muna niya ipinagalaw. Babalikan siya ng programa matapos ang dalawang buwan upang kumbinsihin na linisin na ang loob ng kanyang bahay. Pero pumayag kaya siyang bitawan ang mga ari-ariang ilang taon na niyang ayaw pakawalan?



Sina Roberto at Dorot na kapwa cutters, o yung mga taong boluntaryong sinusugatan ang kanilang sarili, napigilan na kaya nila ang paglalaslas? Naging epektibo kaya ang therapy nila? Nakatulong kaya kay Roberto ang pagkaroon ng pagkakakitaan para di na siya malulong sa alak?



'Di tinanggap ni Lola Resa ang tulong na alok noon ni Mariz at ni Rocco para linisin ang kanyang masukal na tirahan. Di rin siya naging bukas sa pagtulong ng isang psychiatrist. Sa muling pagbisita sa kanya ng programa, magbago kaya ang isip niya?

Si Jeff, na pumapatak sa mahigit 400 lbs ang timbang, ngayon ay pasyente na ng Wellness Center ng isang malaking ospital. Sa tulong ng mga eksperto, unti-unti na niyang sinusunod ang kanyang “meal plan.” Pagkatapos ng isang buwan mula nang una natin siyang nakita, nakontrol na kaya niya ang kanyang “binge eating?” Napababa na kaya niya ang kanyang “hebigat” na timbang?
 
Sila at iba pang kuwento ng pagbabagong-buhay ang mapapanood ngayong Sabado, January 11, sa Out of Control, 4pm pagkatapos ng Star Talk.