ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang bersyon ng hamon, ihahain sa 'Pinas Sarap'


#PSHamon
December 13, 2018

Tuwing Christmas Season, kaliwa’t kanan ang mga nagsasarapang pagkain. Pero sa lahat ng mga pagkaing inihahain, may isang espesyal na handa, ang maalat-alat at manamis-namis na hamon! Ngayong Huwebes samahan si Kara David alamin ang kwento kung kailan at paano naging espesyal na parte ng Pasko ang Hamon.


Matagal at mabusisi ang proseso sa paggawa ng tradisyunal na hamon. Binisita ni Kara ang isang ham factory sa Pasig kung saan tradisyunal pa rin ang paggawa nila ng hamon. Iniimbak nila ang isang buong pigue ng baboy ng tatlo hanggang anim na buwan sa mga bariles na puno ng pampalasa. Kung medyo kapos ang inyong budget, may mga hamon din na mabibili sa mas murang halaga. Ang ibang pagawaan kasi ng hamon, nagtitinda ng per kilo o kaya naman tingi.


Alam niyo ba na bukod sa baboy, may iba pang karne na pwedeng gawing hamon? Sa bayan ng Balagtas sa Bulacan, matitikman ang hamon na gawa sa karneho, o rabbit meat! Habang sa Victoria, Laguna, Itik na hamon naman ang ibinibida!

At kung marami kayong hamon na natira, tuturuan tayo ng isang chef ng mga leftover ham recipe. Maniniwala ba kayo na ang hamon, pwedeng gawing ice cream?


Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!

 


English

During Christmas season, delicious foods are served. And one of the most popular food in this occasion is the salty and sweet ham. This thursday, join Kara David in discovering the story behind Filipino’s Christmas ham.

Making traditional ham is tedious and time consuming. Kara visited a ham factory in Pasig where they make ham the traditional way. They store the pig thigh for three to six months in barrels filled with seasonings. This kind of ham is pricey. But if you are on a budget, there are hams that are sold cheaper, some stores sell scrap hams.  

Do you know that aside from pork, there are other meats that can be used in making ham? In the town of Balagtas, Bulacan, they use rabbit meat. While in Victoria, Laguna, duck is used as ham meat.

A Chef will demonstrate some ham leftover recipes. And have you tried ice cream with ham?