ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pinas Sarap

Mga lutuing wagi sa “Kusinabuyas” sa Nueva Ecija, ibibida sa ‘Pinas Sarap’


#PSSibuyas
May 02, 2019

Matagal ng parte ng kulinaryang Pilipino ang sibuyas dahil laging present ito sa karamihan ng putaheng Pinoy bilang pampalasa. Pero ngayong Huwebes, ipatitikim ng Pinas Sarap ang iba’t ibang putaheng sibuyas naman ang bidang sangkap.



Karaniwang ginagamit ang sibuyas sa paggisa. Pero sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija na tinaguriang “Sibuyas Capital of the Philippines,” iba’t ibang lutuin sa sibuyas ang itinatampok nila sa “kusinabuyas,” ang taunang onion cooking competition nila. Ilan sa mga ipinagmamalaking onion dish ng mga nanalo sa kusinabuyas ang Onion stuffed with chicken and cheese, Sibuyas longganisa, Bola-bola onion, Atcharang sibuyas, Blooming onion at Onion salad. Pero kung classic pinoy dish na pinasarap ng sibuyas ang inyong hanap, Bistek Tagalog ang sagot sa inyong craving.



Pero alam niyo bang hindi lang mga lutuin ang kayang pasarapin ng sibuyas? Pwede rin kasi itong gamiting pampasarap ng mga panghimagas! Nakatikim na ba kayo ng Sibuyas ice cream, Onion custard pie, at Onion jam?



Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes, 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!

ENGLISH

Onion is long been part of Philippine Culinary, it is always present in most popular Filipino dishes. This Thursday, Pinas Sarap will show various dishes where onion is the main ingredient.

Onion is commonly used in sauté, but in the town of Bongabon, Nueva Ecija known as the “Onion Capital of the Philippines”, various onion dishes are shown in their “kusinabuyas”, a yearly onion cooking competition. Some of the popular onion dishes that won in the event are Onion Stuffed with Chicken and cheese, Onion Longanisa, onion with meatballs, Onion Atchara, Blooming Onion and Onion Salad. But if you are looking for a classic Pinoy dish with onions, Beef steak is the perfect dish.

But do you know that onion is not only used in cooking dishes? Onions can also be mixed in desserts. Have you tried Onion ice cream, Onion custard pie and Onion Jam?

Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV, Channel 11!