Seafood at dessert specialties ng Tarlac, ihahain sa 'Pinas Sarap'
#PSTasteOfTarlac2
June 27, 2019
Sa part 2 ng ating food adventure sa Tarlac, titikman naman natin ang kanilang seafoods, pati na rin iba pang putahe at desserts na pinasarap naman ng kanilang mga gulay at prutas.
Bukod sa prito at inihaw, masarap din daw sabawan ang tilapia. Sa Tarlac, may tilapia dish sila na nahahawig sa sinigang, ang bulanglang! Ang natira niyo namang pritong tilapia, kayang-kaya pang pasarapin gamit ang kamatis at itlog para gawing sarciado. Pero may tilapia dish na level-up dahil mayroon itong Italian French twist, ang tilapia quiche!
_2019_06_26_16_11_35_0.jpg)


Ilan naman sa kanilang putahe, agri products ng Tarlac ang bidang sangkap. Pinas sarap ng ampalaya ang dish na pinaryaang manok, habang best daw ipartner sa pritong isda ang burong mangga at mango vinegar. Tayong mga Pilipino, naniniwalang ang pagkain ng pancit ay pampahaba ng buhay, eh paano pa kung gawa pa ito sa super gulay na malunggay? D’yan gawa ang pansit anao ng Tarlac. At para matanggal ang ating umay, meron din silang matatamis gaya ng binallay na nahahawig sa suman at tupig, at ang kapit roll na may palamang latik.

_2019_06_26_16_11_35_4.jpg)
_2019_06_26_16_11_35_5.jpg)
Sa KAsaRAp, ipatitikim naman ni Kara ang kanyang paksiw recipe na pinasarap ng tilapia at mango vinegar.
_2019_06_26_16_11_35_6.jpg)
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes, 10:15pm sa GMA News TV!
ENGLISH
In the second part of Pinas Sarap’s food adventure in Tarlac, it’s time to indulge in their seafoods!
Have a taste of their tilapia dish that is similar to Sinigang—Bulanglang! If you want it fried but more tasty, egg and tomatoes will let you experience sarciado, or if you want an Italian French twist, don’t miss the tilapia quiche!
Make your Tarlac food trip more exciting with agri-dishes like pinaryaang manok. And if you want to go vegan, try their pansit made of malunggay leaves! For dessert, Binallay is a must try—a delicacy of the province that looks like a fusion of suman and tupig.
Kara David also shares her own version of paksiw na tilapia with a mango twist!
Pinas Sarap airs on Thursday, 10:15 PM on GMA News TV.