Mga pagkaing mas pinasarap ng mga prutas na in season, alamin
#PSFruitsInSeason
September 12, 2019
Rambutan, Santol at Lanzones! Mga prutas na nilalantakan ng karamihan ngayon. Pero alam niyo bang masarap din itong isahog sa mga lutuin? Samahan si Kara David tikman ang mga putaheng pinasarap ng fruits in season!

_2019_09_10_11_03_51_1.jpg)
Madaling makilala ang rambutan dahil sa kulay pula at mabuhok nitong balat. Patok ito sa panlasa dahil sa matamis nitong laman. Pero papatok din kaya kapag ito ay iniluto, gaya ng adobong rambutan, kinilaw na rambutan, paksiw na rambutan at kimchi rambutan? Ginagawa ring matamis ang rambutan gaya ng rambutan jam at rambutan trifle na masarap ipares sa rambutan coffee.




Bukod sa masarap papakin, iniluluto rin ang santol na madalas ginagamit na pang-asim sa sinigang. Pero ang isa pang masarap na luto dito ay ang ginataang santol o sinantolan, na pwede ring gamiting sa pagluluto naman ng sinantolan seafood pasta. Pwede namang gamitin ang santol sa paggawa ng desserts gaya ng binagkat at crispy turon santol.




Siguradong mapapangiti naman kayo sa tamis-asim na sarap ng lanzones. Pero alam niyo bang ang tamis-asim nito, pwedeng pamalit sa sampaloc sa sinigang?


Mga ulam at pagkain na pinasarap ng mga prutas na napapanahon ang ating lalantakan ngayong Huwebes sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, sa bago nitong timeslot na 7:15PM, sa GMA News TV!
Santol, Rambutan and Lanzones are the fruits in season this month. But do you know that aside from eating these ripe fruits, one can also use it as ingredients in cooking? Some of the dishes made from rambutan are rambutan adobo, rambutan ceviche, paksiw rambutan and kimchi rambutan. This fruit is also used in making desserts like rambutan trifle and rambutan jam that are best paired with rambutan coffee.
Santol is usually used as souring ingredient in sinigang, but another favorite santol dish is sinantolan or santol in coco milk. For pasta lovers, you can try sinantolan seafood pasta. Binagkat and crispy turon santol will surely delight sweet tooths! Aside from santol, lanzones can also be used as alternative for sampaloc in cooking sinigang!
Tune in this Thursday on GMA News TV and watch the yummiest program in television, Pinas Sarap, in its new timeslot of 7:15 in the evening on GMA News TV!