Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pinas Sarap' itik dishes, alamin!


#PSItik
Airing: October 31, 2020

Malansa at mamantika. Ito ang karaniwang impresyon ng mga tao sa mga putaheng gawa sa karne ng mallard ducks o itik. Pero sa totoo lang, ang mga putaheng gawa sa karne ng itik ay masarap, malinamnam at nakatatakam!

 

 

Kapag specialty dish ng Angono ang pag-uusapan, crispy fried itik ang number 1! Sasadyain at kikilalanin ni Kara ang sinasabing nagpasimula ng putaheng ito, ang 81 year old na si Aling Plonia.

 

 

Bukod sa sa fried itik, siguradong gaganahan din ang mga bibista sa Angono sa sarap ng kalderetang itik at adobong itik sa gata.

 

 

Sa Victoria Laguna, pag-aalaga ng itik ang pangunahing industriya. Kapag daw bumista rito ay hindi raw dapat palampasin ang masasarap ng itik dishes tulad ng duck sisig at duck barbecue.

 

 

Pero kung gusto niyo naman ng itik dish na may twist, tikman na ang itik pizza at shawarmatik.

 

 

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Sabado 6:15PM sa GMA News TV!

ENGLISH VERSION

Many Filipinos are not familiar with dishes made from itik or mallard ducks. But surprisingly, itik dishes are very savory like the crispy fried itik, kalderetang itik and adobong itik sa gata. Join Kara David as she tries to taste these different itik dishes, including the itik pizza and itik shawarma.