Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iloilo food adventure sa 'Pinas Sarap'!


#PSIlonggoDishes

Sa culinary adventure natin sa Visayas ngayong Martes, dadayuhin natin ang probinsiyang may mayamang kasaysayan, makulay at magarbong fiesta, at sagana sa nagsasarapang pagkain… ang probinsiya ng Iloilo! Samahan si Kara David tikman ang mga signature Ilonggo dish.

 

 

Isa sa signature dish ng mga Ilonggo ang Pancit Molo na ipinangalan sa Molo district sa Iloilo City.  Pero Pancit Molo man ang tawag dito, wala itong pansit o noodles.  Sa halip na pancit, giniling na karne na binalot sa molo wrapper ang pangunahing sangkap nito.

Ang La Paz Batchoy na isa pa sa lutuing tatak Ilonggo, ipinangalan naman sa La Paz District. Kumpara sa Pancit molo, may noodles ang La Paz batchoy. Sa katunayan, may 4 versions ang batchoy depende sa klase ng pancit na ihahalo.
Pero ang binabalik balikan ng mga tao sa La Paz Batchoy ay ang sabaw nito na pinasarap ng karne at laman loob ng baboy.

 

 

Mayaman din ang karagatan na nakapaligid sa Iloilo, kaya naman ilan sa mga putaheng kanilang ipinagmamalaki, seafoods ang pangunahing sangkap gaya ng Sinigang na Scallops.

 

 

Para sa mahilig sa crabs pero walang tiyaga sa pagbabalat, mayroon silang crabs na hindi na kailangan balatan, ang soft shelled crabs. At ang specialty nila dito, Soft Shelled Crabs with Adobo Aligue Sauce.

 

 

'Yan ang mga dapat abangan sa ating Iloilo Food Trip sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Martes, 5:45PM, sa GTV.

 


English Version:

This Tuesday in Pinas Sarap, join Kara David as she embarks on a culinary adventure in the province of Iloilo. Kara will unravel the story in their signature dishes and will try to taste their signature soups, such as the famous Pancit Molo and La Paz Batchoy.

Pancit Molo was named after Molo district in Iloilo City. Although it has the word pancit or noodles in its name, the actual dish doesn't come with noodles, instead, ground pork wrapped in molo wrapper.

La Paz Batchoy is a staple when talking about Ilonggo dishes. Like Pancit Molo, its name was also from a place in Iloilo called La Paz. And this dish has actual noodles in it! In fact, it features 4 kinds of La Paz Batchoy depending on what noodles were used. Aside from the soup, Ilonggos, and fans of the dish enjoy the stewed pork meat and innards.

Iloilo is also proud of its savory seafood dishes, such as the Sinigang na Scallops and Soft Shelled Crabs with Adobo Aligue Sauce.

Ready your palate for a delectable Iloilo Food Trip on the yummiest show on TV, Pinas Sarap, Tuesday, 5:45 PM on GTV.