Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"DOH Iligtas ang Pinas sa Tigdas" and "Boracay Summer Special!"


Episode on April 9 & 10, 2011 Saturday 6:00 AM Sunday 7:00 AM Punong-puno ng impormasyon ang Pinoy MD ngayong Sabado at Linggo! Kasama sina broadcaster Connie Sison, internist Doc Oyie Balburias, dermatologist Doktora Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor kami ang inyong mapagkakatiwalaang liga ng kalusugan. This Saturday... Samahan si Connie, Doc Oyie at ang ibang pang mga health professionals sa pagsuporta nila sa Iligtas sa Tigdas ang Pinas program ng DOH. Maraming bata ang iineksyunan at bibigyang proteksyon kontra-measles at natuto rin sila ng mga tip mula sa ating mga eksperto. Isa kasi ang tigdas sa mga pinakanakahahawang sakit lalo na sa mga bata, pero maaari naman itong mapigilan kung magpapabakuna. pinoymd3 Sa mga pagod na sa kaka-sit-ups at crunches para magkaroon ng mala-beauty queen o modelong tiyan, puwede niyo rin subukan ang ibang mga operasyong ipakikita namin. Isa rito ang high-definition liposuction kung saang masisiguro raw ang pagkakaroon ng six-pack abs na talagang inaasam ng marami. Ang ating internist na si Doc Oyie, aakalain niyo bang overweight daw dati? Natunaw lang daw ang kanyang mga taba noon nang magsimula siyang maging conscious sa kanyang diyeta at sa pagtakbo. Ang running daw ang isa sa mga pinakamura at epektibong paraan para makapagbawas ng timbang. This Saturday ipakikita ni Doc Oyie sa inyong kahit overweight o obese puwede pa ring maging runner. Ngayong April, dadami muli ang darayo sa mga hot spring ng Laguna para maglibang...at para magpagaling. Marami kasi ang naniniwala sa bisa ng init at ng mga mineral na matatagpuan daw sa mga bukal nito. Bago sumang-ayon, alamin muna ang impormasyon sa Doc, Totoo Ba?. pinoymd2 Sa Linggo, isang natatanging Summer Special ang handog ng Pinoy MD mula sa Boracay! Sa ngalan ng aming Serbisyong Totoo, dinala ng Pinoy MD ang Project Kalusugan sa isa sa mga pinakamagagandang isla sa mundo. Ilang minuto kasi mula sa puntahan ng mga turista, matatagpuan ang Barangay Yapak. Dito tatlo sa walong residente ang may sakit sa balat. Kaya naman to the rescue si Dra. Jean, Connie at mga volunteer doctors at health workers para sa isang derma mission. Marami ang naniniwalang kapag daw inihian ang kagat ng dikya mawawala ang sakit nito. Kailangang maging maalam tungkol sa mga jellyfish sting dahil pag di nag-ingat maaari itong makamatay. Sa medical myth-busting segment ng bayan niyo malalaman ang sagot sa paniniwalang iyan. Tutok na sa aming Doc, Totoo Ba? pinoymd1 Alamin kung paano makatutulong ang yoga para mapalakas ang inyong mga likod. Malaking suporta ang binibigay ng bahaging ito ng ating katawan kaya naman dapat lang na alagaan. Sabayan niyo kaming iinat ang inyong mga kasu-kasuan habang tinitingnan ang magagandang tanawin ni Bora. Siyempre, di namin pinalagpas ang pagkakataong makapag-Luto Lusog sa mala-paraisong isla. Ipakikita namin sa inyong di lang karne at lamang-dagat ang maganda ihawin. dahil masarap ding lantakan ang grilled fruits at veggies. Sa gitna ng init ng tag-araw... mahalgang may sandata tayong baon bago sumabak sa summer. At ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan ang gagabay sa inyong kalusugan. Panoorin ang Pinoy MD, Saturday 6 a.m. to 7 a.m. at tuwing Sunday, alas siyete hanggang alas otso ng umaga sa GMA.