ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Circumcision, Healthy Halo-Halo" and "Nanay's Day-Off and Pool Activities"
Episodes on April 30 and May 1, 2011 Saturday 6 - 7 AM Sunday 7 - 8 AM Painit nang painit ang tag-araw at siyempre tuloy lang kami sa Pinoy MD sa pagiging kapartner niyo sa kalusugan kasama sina Connie Sison, internist Doc Oyie Balburias, dermatologist Doktora Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor na makapagbigay ng Serbisyo Totoo sa pagdadala ng impormasyon. Ngayong Sabado... Bakasyon na at kasabay nito ang paghahanda ng mga batang lalaki para raw tuluyan na silang maging binata. Kapag daw kasi pumasok na ang tag-araw... tuli time na! Si Doc Dave ang magpapaliwanag ng lahat ng mga gusto ninyong malaman tungkol sa circumcission. Kailangan ba talaga ito? At kung magpapatuli, ano ba ang mga dapat gawin para masigurong ligtas ang tutulian? Kapag ba tinulian ang batang lalaki, tatangkad ito? Ang sagot sa lahat ng iyan, malalaman niyo na sa Sabado. Ngayong nasa rurok ng init ang tag-araw... magpalamig muna at kumain ng halo-halo. Ang mga pampalamig na ipakikita namin sa inyo sa Luto Lusog... makapapatid ng uhaw pero di makapagpapataas ng inyong blood sugar level. Mga halong-halong may mga sangkap na pampalusog... yan ang aming handog. Karaniwang solusyon sa mga namromroblema sa kulugo ang pagpapaso nito ng apoy ng sigarilyo o tulo ng kandila. Ligtas ba ang ginagawa nilang ito? Alamin ang sagot ng doktor ng bayan sa Doc, Totoo Ba? Sa Linggo naman... Sa araw ng mga manggagawa... pagpapahingahin namin ang ilan sa mga pinakapagod na mga nanay nagtratrabaho sa isang factory. Di biro ang epekto lalo na sa kalusugan ang pagiging ina at trabahador; kaya isang spa at massage package ang pinaranas namin sa mga masisipag na mga nanay na ito. Ngayong marami ang mapapasabak sa pag-outing ng pamilya... may ituturo kaming ilang swimming pool games sa inyo. Di lang kasi paglangoy ang masaya at nakapagpapalusog na activity na puwedeng gawin kapag nakalusong sa tubig. Tandaan, sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan tamang impormasyon mula mismo sa mga eksperto ang inyong maaasahan. Ngayong weekend, panoorin ang Pinoy MD, Saturday 6 a.m. to 7 a.m. at tuwing Sunday, alas siyete hanggang alas otso ng umaga sa GMA.
More Videos
Most Popular