ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Dangers of Do-it-yourself Beauty Treatments" and "Skipping Roap & Cheerdance"
Episodes on May 14 and 15, 2011 Saturday 6-7 A.M. Sunday 7-8 A.M. We are your health authority on TV- Pinoy MD! Broadcaster Connie Sison, Internist Doc Oyie Balburias, Dermatologist Dra. Jean Marquez, Cancer Surgeon Doc Dave Ampil II and OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor make up the team which'll make sure you get to live your lives to the full. This Saturday... To save on a couple of bucks, some women choose the do-it-yourself way when it comes to beauty treatments. Rebonding, relaxing and coloring- treatments which were erstwhile left in the hands of stylists may now also be done at home. Before doing these formerly parlor-exclusive procedures- know about the risks involved. If you already have damaged hair because of doing these on your own, Dra. Jean's got some tips for you. Moms often tell their kids to refrain from reading under dim lights. Is there a connection between straining your eyes in the dark and their grade increasing? Know the answer on the original medical myth-busting segment Doc, Totoo Ba?. And for those who plan on getting a henna tattoo this summer break, know that if you're not careful, you may actually get an allergy from this. The ink may not be permanent but there are still dangers to using it. On Luto Lusog, we'll teach you that the Pinoy favorite- tinapa, isn't limited to fare that's just partnered with egg and tomatoes. There are a lot of ways you may enjoy this affordable, smoked fish. And on Sunday. Skipping rope isn't only fun to do in the playground. it actually is also a pretty good workout. Our Banat Buto segment will make you burn calories as you jump rope. Learn the recipe for giving regular ice candy a healthy twist. Malunggay, pumpkin and mung beans may also be used in creating summer coolers. They brought home the gold and became the 1st Southeast Asian Cheerleading champions. Now learn some cheerdance moves that'll keep you fit from Team Pilipinas! We've got the experts for all your health information needs. Watch Pinoy MD, every Saturday 6 to 7 a.m. and every Sunday, 7 to 8 a.m. on GMA.
Kami ang Pinoy MD, ang programang pangkalusugan inyong mapagkakatiwalaan! Kasama ng broadcaster na si Connie Sison at ng pinag-sanib na puwersa ng mga Doktor ng Bayan, sina internist Doc Oyie Balburias, dermatologist Doktora Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor sisiguraduhin naming anuman ang panahon, malusog pa rin kayo. Ngayong Sabado... Para makatipid, ang ilang babae mas pinipili na lang nila na sa bahay gawin ang mga treatment na karaniwa'y pang-salon. Rebond, relax at pagkukulay- mga pagpapagandang dati'y sa stylist ipinagkakatiwala- ngayon sa mga tahanan na ginagawa. Pero bago mag-do-it-yourself na mga parlor procedures na ito. alamin muna ang mga kemikal na inilalagay sa buhok. Puwedeng makasama ang mga ito lalo na kung mapa-sobra ng lagay. May mga tip din si Dra. Jean kung isa kayo sa mga na-damage na ang buhok dahil sa mga matatapang na hair treatment. Madalas na pagbawalan ang mga bata na magbasa sa dilim ng kanilang mga magulang. May koneksyon nga ba ang pagtaas ng grado ng mata sa pagbabasa sa di maliwanag? Abangan ang sagot sa medical myth-busting segment ng bayan na Doc, Totoo Ba? At sa mga magpapa-henna tattoo ngayong bakasyon, kung di magiging malinis o di aalagaan ang balat- puwede kayong ma-allergy dahil dito. Kaya di man permanente ang marka, ingatan pa rin ang inyong skin. Sa Luto Lusog naman, tampok namin ang isa sa mga paboritong ulam ng mga Pinoy, ang tinapa! Mura at madaling mabili sa anomang palengke at masarap ipares sa itlog at kamatis. Ngayon, matuto ng iba pang paraan kung paano magiging katakam-takam ang pinausukang isdang ito. At sa Linggo. Maki-Banat Buto gamit ang isa sa mga pinakamurang exercise equipment- ang jump rope. Di lang pambata ang mahabang taling tinatalunan na ito dahil epektibo rin itong cardiovascular exercise para sa mga mas matanda. Ang mga pang-tag-araw na ice candy bibigyan din natin ng healthy twist. Malunggay, kalabasa at munggo. puwede ring gawing ingredients sa mga pampalamig na ito. At matuto ng ilang mga cheerdance moves mula sa --- 1st Southeast Asian Cheerleading Champions, ang Team Pilipinas! Kami ang nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Ituloy niyo lang ang inyong suporta sa numero unong medical show sa telebisyon. Panoorin ang Pinoy MD, Sabado alas sais hanggang alas siyete ng umaga at tuwing Sunday, alas siyete hanggang alas otso ng umaga sa GMA.

More Videos
Most Popular