ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

First Anniversary Special of Pinoy MD!


Episodes on July 30 & 31, 2011 Saturday 6:00 AM Sunday 7:00 AM Pinoy MD, your weekend guide to health and wellness is celebrating its first anniversary! And to mark this special event, we have public service features in store for you! On Saturday… Most of her life, Edith has been suffering from acne. And like many individuals with the skin condition, she has lost her self-esteem. Good thing Dra. Jean is here to treat her skin and give more information about acne. Don’t miss her exciting reveal after the treatment! The town of Calape, Bohol is in dire need of medical services. Residents find it difficult to go to the nearest hospital and their health center lacks medicines and other supplies. This is the reason why Mang Felimon was not able to have his eye checked despite developing a lump for 20 years. Just this month, the Lakbay Buhay Kalusugan mobile bus clinic of the government and Pinoy MD visited Calape. Finally, residents were able to receive the health care they need. And even if we are the birthday celebrator, we are giving gifts for mothers! We have chosen three mothers who are truly hardworking and worthy of some rest and relaxation. How was Erlinda able to manage 13 children? While, Virginia has been joggling five jobs for her family! And Teresita, despite acquiring polio, never stopped working. On Sunday, We have underscored time and time again the value of good nutrition, not only for the body but for brain power as well! With this in mind, Pinoy MD launches Luto Lusog Revolution. Join Pinoy MD host Connie Sison, nutrition experts and 30 mothers from a school with a low passing rate of students as they prepare food that will make kids smarter! We will also continue demonstrating exercise and workout routines! This time, we’re taking it to the next level! 150 mothers joined the Grand Banat Buto Day lead by dance diva Regine Tolentino and sexy singer, Mocha. On Health si Idol, celebrity power couple Richard Gomez and Representative Lucy Torres Gomez show us how exercise and healthy eating keep a couple’s good relationship! And our grand anniversary blow-out is the Project Kalusugan Health Fair! More than 500 benefited in our medical mission on July 9 and get to meet some of them this Sunday! Join Connie Sison with internist Doc Oyie Balburrias, Cancer Surgeon Doc Dave Ampil, dermatologist Dra. Jean Marquez at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor; on Pinoy MD, Saturday 6 AM and Sunday 7 AM.
Isang taon na ang inyong gabay sa malusog at iwas-sakit na programa, ang Pinoy MD! At ngayong unang anibersaryo ng aming programa, magiging espesyal ang inyong morning weekends dahil sa mga public service na istoryang aming inihanda ngayong sabado at linggo. Sa Sabado... Halos buong buhay daw ni Edith, tadtad na ang mukha niya ng tighiyawat. Marami ang dumaranas ng kawalan ng kumpiyansa dahil sa acne, tulad niya. Para matulungan si Edith at mabigyan ng impormasyon ang iba pang tighiyawatin, ginamot ni Dra. Jean ang kanyang kondisyon. Abangan ang rebelasyon ng hitsura niya ngayon. Kulang na kulang daw ang serbisyong medikal sa Calape, Bohol. Di madaling maabot ang pinakamalapit na ospital, kapos din sa suplay ng gamot ang kanilang health center. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit 20 taon nang may bukol sa mata ang taga-rito na si Mang Felimon, hindi pa rin niya naipakokonsulta ang kalagayan niya. Nitong Hulyo, pinuntahan ng Lakbay Buhay Kalusugan mobile bus clinic ng pamahalaan at ng Pinoy MD ang Calape. Panoorin kung paano tinugunan ang mga pangangailangan ng mga matagal na hindi nakapagpa-check-up. At kahit pa kami ang may birthday, kayong mga nanay ang reregaluhan namin. Tatlong mga napakasipag na mga ina ang pinagpahinga at pinalusog namin. Si Erida, di magkanda-ugaga sa 13 niyang mga anak. Si Virginia naman na walang pahinga dahil kailangang buhayin ang kanyang pamilya kaya pinagkakasya ang limang trabaho! At si Teresita, nilumpo man ng polio noon- tuloy pa rin sa pagkayod ngayon. Ngayong Linggo naman... Mahalaga ang nutrisyon, di lang para mapalakas ang katawan kundi para mas mapatalas ang isipan. Kaya naman proyekto ng Pinoy MD ang isang Luto Lusog Revolution. Samahan si Pinoy MD Host Connie Sison, mga nutrition expert, at ang 30 nanay mula sa isang paaralan na mababa ang grado ng mga estudyante na maghanda ng ilang mga pagkaing makatutulong sa pagpapatalino. Marami na kaming naiturong mga ehersisyo sa inyo. Sa aming anibersaryo, next level ang workout na ipakikita namin. Isang Grand Banat Buto Day ang nilahokan ng 150 na mga nanay. Ang mga nagturo ng mga galaw na pampatunaw ng taba sina dance diva na si Regine Tolentino at sexy singer na si Mocha. Sa Healthy si Idol naman, celebrity couple Richard Gomez at Lucy Torres Gomez. ipakikitang makabubuti sa relasyon ng mag-asawa ang pageehersisyo at pagkain nang tama. At siyempre blow-out namin sa inyo sa aming unang anibersaryo ang Project Kalusugan Health Fair. Mahigit 500 ang natulungan ng malakihang medical mission na ginanap noong July 9. Kilalanin ang ilan sa mga nakakuha ng benepisyo mula rito. Kayo ang laging bida sa amin. Samahan sina Connie Sison at ang Mga Doktor ng Bayan na sina internist Doc Oyie Balburrias, Cancer Surgeon Doc Dave Ampil II, dermatologist Dra. Jean Marquez at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor sa pagbibigay nila ng impormasyong mas makapagpapalusog sa inyo. Pagdiriwang at pasasalamat sa isang taon ninyong suporta ang mapapanood niyo sa Pinoy MD ngayong Sabado, alas 6 hanggang alas 7 at Linggo alas 8 hanggang alas 9 ng umaga sa GMA.