Luslos, lemongrass, iwas-lamok na kulay atbp!
SEPTEMBER 3 AND 4, 2011 SABADO, 6-7 NG UMAGA AT LINGGO, 7-8 NG UMAGA! Ngayong Sabado... Luslos para sa mga kalalakihan, pelvic floor dysfunction o mas kilala sa tawag na buwa naman sa kababaihan. Ang pelvic floor dysfunction ay ang paghina ng sumusuporta sa pelvic organs gaya ng uterus, kapag ito ay nanghina, bumabagsak ang matris sa pwerta. Ayon sa pag-aaral, 14% ng mga kababaihan ay apektado ng sakit na ito. Karaniwang nagkakaroon nito ang mga babaeng nasa menopausal stage, maraming anak at nagbubuhat ng mabigat. Alamin aky Dr. Q kung paano maiiwasan ang sakit na ito sa Usapang babae! Ang lemongrass o tanglad ay isang uri ng halaman na hindi nakakain pero ginagamit sa iba't ibang lutuin. Ang mga dahon kasi nito ay mabisang pantanggal ng lansa. Pero higit pa rito ang silbi ng tanglad sa kusina! Bukod sa maraming recipe na maaring paggamitan ng tanglad, marami rin itong health benefits lalo na sa atay! 'Yan ang matutunan ngayong umaga sa Luto lusog at Mura na mabisa pa! Ang lahat ay naka-alerto kontra-dengue, naghahanap tayo ng iba't ibang paraan para makaiwas sa dengue fever . At ang isang solusyon, ang pagsuot ng matingkad na kulay! Ang mga lamok ay takot at umiiwas sa matingkad na kulay? Abangan ang sagot ngayon umaga sa Doc, totoo ba? Ang diarrhea ay pangkaraniwang nararamdaman ng bawat isa, lalo na ang mga bata. Ang madalas na dahilan ay bacterial or viral infection na nakukuha mula sa kontaminadong pagkain at tubig. Pero hindi dapat ipagwalang bahala ang diarrhea, dahil ang simpleng pagtatae, kapag napabayaan ay maaring humantong sa kamatayan. Alamin kung ano ang dapat gawin kapag nakaranas ng diarrhea sa... To the rescue! Para sa maraming kababaihan, maituturing na sagabal ang pagiging maliit. Sa larangan ng pagandahan o palakasan naman, dehado raw ang kulang sa height. At sa mata ng kalalakihan, agaw atensyon ang mga babaeng matatangkad. Pero kung ang artistang si Sheena Halili ang tatanungin, hindi kapintasan ang pagiging petite at lalong hindi raw ito sagabal para maging healthy at fit. Small but terrible, ngayong umaga 'yan ang ating... healthy si idol! At sa Linggo naman... Ang obesity o pagiging sobrang mataba ay isa sa lumalaking problema sa ating bansa. Ayon sa Department of Health, dalampung porsiyento ng kasalukuyang papulasyon ang kaso ng obesity sa Pilipinas at karamihan sa apektado nito ay mga bata. Kaya kasama ang isang consultant at food enthusiast na si Chef Tristan, ituturo na ang mga bagong recipes na hindi lang basta masarap for kids, healthy at swak na swak rin sa mga batang hebigat sa Luto lusog! May mga naniniwala na nakasalalay ang pagtaba sa paraan ng pagnguya. Ito ang ikokunsulta sa ating doktor ng bayan. Kapag dahan-dahan bang ngumuya... hindi tataba? Alamin ang sagot sa Dok... totoo ba? Dahil sa sustansyang hatid ng gulay, ang pagkain nito ay siguradong pampahaba ng buhay! Kaya naman ang mga nanay, lagi itong ipinapaalala sa mga anak para maging malusog at matibay. Ang gulay na alugbati naman ang bibida! Panoorin kung paano ito gagawing katakam-takam sa inyong panlasa! Panoorin ang Pinoy MD, kasama sina Connie Sison, Cancer surgeon Doc Dave Ampil, OB Gyne Dr. Raul "Q" Quillamor, Dermatologist Dra. Jean Marquez at Internist Dr. Oyie Balburias ngayong Saturday 6 a.m. to 7 a.m. at tuwing Sunday, alas siyete hanggang alas otso ng umaga sa GMA!