ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health benefits ng tsokolate tatalakayin sa 'Pinoy MD'


Para magkaroon ng winning smile, importante ang maayos na ngipin pero ang madalas na hindi natin napapansin na malaki rin ang naggagawa ng porma ng ating gilagid o gums.  Para sa mga masyadong magilagid ang ngiti, may bagong solusyon ang mga dentista.  Sa paraang tinatawag na gum contouring, kinokorte ng isang laser ang hugis ng gilagid para mas lumutang ang ngiti ng pasyente.  Bukod sa pagpapaganda, nakatutulong din daw ang gum contouring sa pagpapabuti ng over-all dental health ng isang pasyente. Sa mga gustong mabilis na maging fit, may bagong klase ng exercise na puwedeng gawin! Ang benefit: doble raw na mas mabilis makapagpapapayat ito kaysa sa pagtakbo. Ito ang Kangoo workout.  Sa exercise na ito, kailangang magsuot ng mga Kangoo o mga espesyal na rubber shoes na may nakakabit na mga spring.  Dahil kailangang tumakbo habang tumatalbog ang mga paa sa sahig, mas kailangan ng energy para gumalaw.  Isa si Kapuso host, Luane Dy sa mga nahuhumaling ngayon sa exercise na ito.  Kitang-kita naman ang epekto ng pagka-Kangoo sa seksing katawan niya.  Samahan si Luane, sa pagpapakita sa inyo kung paano gawin ang workout na ito ngayong Sabado.    Iniiwasan ng mga gustong maging healthy ang tsokolate.  Nakatataba raw kasi ang pagkain nito.  Pero ngayon may mga pag-aaral na nagsasabing, kapag kinain in moderation, makatutulong ang chocolates kontra kanser at altapresyon.  Pero anong klaseng tsokolate ba ang dapat kainin?  Ano ang dapat na hinahanap sa label kapag bibili nito?  At gaano karaming tsokolate lang ang puwedeng kainin kada araw?   Kami ang inyong pinagkakatiwalaan pagdating sa paghahatid ng health information.  Kaya naman hindi kayo bibiguin ni Connie Sison, Doktora Jean Marquez, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD, Sabado, 6:00-7:00 am, sa GMA 7.

Tags: plug