ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sintomas ng sakit sa puso sa mga babae, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


Kapag sinabing sakit sa puso, ang madalas daw na biktima nito lalaki. Pero ayon sa mga cardiologist o espesyalista sa puso, hindi dapat balewalain ng mga babae at maging ng mga bata ang madalas na pagkahilo, pagsusuka at sobrang pagpapawis dahil ito raw ay posibleng senyales na ng sakit sa puso. Ang iba pang mga sintomas ng heart disease na mas karaniwan sa mga babae at sa mga bata, alamin sa Sabado. Ayon sa pag-aaral ng isang kompanya ng gamot, isa sa bawat tatlong Pilipino ang may suot na pustiso. Marami kasi ang tinatamad o kinakalimutang magsepilyo o di kaya walang panggastos para magpa-check-up sa dentista. Ang resulta, unti-unting nabubulok ang kanilang ngipin hanggang sa kailangan nang bunutin ang mga ito. Kung hindi pustiso, nagpapalagay ang mga nabubungi ng mga crown o jacket. Pero paalala ng mga eksperto, kahit pa gawa na porselana o plastic ang inyong teeth, mahalaga pa ring alagaan ang mga ito. Kapag kasi napabayaan ang pustiso, crown o jacket ng ngipin, puwede itong lumuwag at magkaroon ng sakit ang may suot nito.
Kahit walang maraming mantika o asukal, puwedeng pasarapin ang mga paborito niyong pagkain. Ang sikreto ng ilang chef, ang pagsti-steam. Sa proseso kasing ito, naluluto ang ulam, meryenda o panghimagas pero hindi nadaragdagan ng taba o ng calories ang inyong kakainin. Hindi lang siomai ang puwedeng i-steam! Alamin ang iba pang recipe sa Sabado.
Karaniwang nanghihina, rumurupok at tumataba ang katawan ng isang taong tumatanda. Para sa mga lalaki nga raw, basta lumaki na ang kanilang tiyan o kaya nagsimula nang sumakit ang kanyang mga tuhod, talagang wala na ang kanyang pagka-macho. Pero may mga nakilala kaming mga lalaking kahanga-hanga, mga tatay na nagsasabing kalabaw lang ang tumatanda! Paano ba naman, kahit may mga apo at apo sa tuhod na, guwapo at masigla pa rin sila. Alamin ang sikreto ng mga senior citizen sa Sabado!
Samahan si Connie Sison pati na rin sina Dr. David Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez sa isang umagang punong-puno ng impormasyon. Panoorin ang Pinoy MD, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.  
Tags: plug