ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Effective leg workout at kamote recipes sa 'Pinoy MD'

Kapag sinabing nangamote ang isang tao, talunan o kaya mahina ang dating. Pero ayon sa mga eksperto sa nutrisyon, ang kamote raw mismo… panalo! Mababa ito sa calories pero nakabubusog, kaya naman bagay na bagay daw sa mga nagdidiyeta. Siksik din ito sa iba’t ibang bitamina. Bukod diyan walang taba at walang kolesterol ang kamote. Kaya naman ang mga recipe na tampok ang kamote ang handog namin sa inyo.
Bulok ba ang ilang sa iyong mga ngipin? Bingaw-bingaw ba ang iyong pustiso? Baka naman namamaga o masakit ang inyong gilagid? Mga epektibo pero matipid na paraan ng pangangalaga sa oral health ang tututukan ng mga espesyalista ngayong Sabado.
Sa mga shampoo commercial at sa mga beauty magazine, karaniwang bida ang mga babaeng may mahaba at tuwid na buhok. Pero ang mga ipinanganak na may kulot na buhok nagtatanong kung, paano naman daw sila? Kung susuriin, maraming pagkakaiba sa itsura at porma ng tuwid at kulot ng buhok. Dahil dito, makaiba rin ang pangangailangan at tamang paraan ng pangangalaga sa kulot ng buhok. Alamin ang mga tip ng mga dermatologist para ang mga kulot na buhaghag ang buhok, di na mamroblema.
Pangarap ng maraming babae ang magkaroon ng pang-beauty queen na legs. Pero para sa mga sobra sa timbang, di biro ang pagpapapayat ng kanilang mga pata. Para magkaroon ng magandang hubog ng legs, abangan ang ilang simple pero epektibong paraan ng pageehersisyo na nakatutok sa legs.
Unahin ang kalusugan. Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Doc Oyie Balburias at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor sa Pinoy MD. Mapapanood ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan sa Sabado, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.
Para sa karagdagang updates, sundan ang Pinoy MD sa Facebook at Twitter.
Unahin ang kalusugan. Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Doc Oyie Balburias at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor sa Pinoy MD. Mapapanood ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan sa Sabado, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.
Para sa karagdagang updates, sundan ang Pinoy MD sa Facebook at Twitter.
More Videos
Most Popular