ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Budget ulam at solusyon sa pneumonia, tampok sa 'Pinoy MD'


Nagsisimula ito sa ubo, sa sipon at sa lagnat.  Pero dahil sa bagsik nito, 37 na bata sa Pilipinas ang namamatay araw-araw nang dahil sa pneumonia.  Ayon sa Department of Health, ang pneumonia ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang isang taong gulang pababa.  Paano niyo mapro-protektahan ang inyong mga anak sa tinaguriang silent killer na ito? Ano ang pinakamabisang paraan para mapigilan ang pneumonia?

Para sa isang pamilya na ipinagkakasya lang ang minimum wage na higit sa P400 araw-araw, mahalaga ang tamang pagba-budget.  Sa panahon na tila walang tigil ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin, mahirap itong gawin.  Pero kahit nagtitipid, di dapat kinakapos sa sustansiya ang kinakain ng pamilya.  Sa Sabado, ipakikita naming sa halagang P80 may malinamnam at masustansiyang ulam nang puwedeng pagsaluhan ang apat hanggang limang miyembro ng pamilya.
 
Tubig, juice, softdrinks, o alak man- lahat ng ating iniinom kailangan nating ilabas.  Mahalagang proseso ng katawan ang pag-ihi;  kapag kasi ginagawa natin ito, nalilinis ang ating sistema ng likidong di na natin kailangan.  Pero bago tayo mag-flush nang basta-basta, ayon sa mga doktor, dapat maging mapanuri muna.  Ang amoy, anyo at kulay daw kasi ng ihi puwedeng indikasyon ng sakit sa katawan. 
 
Para magising sa umaga, siyempre ang pangsalubong ng marami, mainit na kape na may kaunting asukal.  Sa Sabado, ipakikita naming di lang dapat itinitimpla ang kape at asukal.  Sangkap rin kasi ang kape at asukal para sa mapaganda ang balat. Ang mga benepisyo ng kape at asukal sa balat, abangan sa Sabado.
 
Karaniwan itong nasa lumpia o kaya iginigisa pero marami pang puwedeng gawin sa toge.  Mura at mayaman sa protina, tamang-tama ang pagkain ng toge lalo na sa mga nagdi-diyeta at sa mga gustong mabusog pero ayaw sa mga pagkaing makolesterol.  Toge recipes, abangan iyan sa aming Luto Lusog segment.
 
Sa Pinoy MD lagi naming sigaw, unahin ang kalusugan.  Sakit o healthy living man, lagi kayong dadalhan ng impormasyon nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.

Tags: plug, health, food