ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga sakit na dala ng baha, tatalakayin sa 'Pinoy MD'




Matapos ang ilang araw na pag-ulan dala ng habagat, halos kalahati ng Metro Manila, nalubog sa baha. Libo-libong mga kababayan natin, napilitang lumikas hangga't hindi pa humuhupa ang baha sa kanilang mga lugar. Kabilang sa pangangailangan sa pagkain, tubig at iba pang kagamitan, kailangan din nila ang mga gamot at serbisyong medical para sa mga may sakit. Di naging hadlang ang pagbaha sa mga doktor ng Philippine Medical Association sa kanilang pagseserbisyo. Susundan sila ng Pinoy MD sa kanilang pag-iikot sa isang barangay sa Malabon para malaman ang mga karaniwang sakit doon dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha.


Marami sa atin, pamilyar sa Hepatitis A.  Usong sakit ito lalo na kung tag-araw at karaniwang nakukuha sa pagkakaroon ng hindi malinis na paraan ng pagkain.  Pero ang isa pang uri ng "hepa," kaunti lang ang ating alam.  Ayon sa Hepatology Society of the Philippines, tinatayang 1 sa bawat 10 Pilipino maaaring may Hepatitis B.  Alamin kung paano makaiiwas sa karamdamang ito. 

Babalatan, hihiwain at saka ihahalo sa gatas -- ganito ang nakasanayan nating paghahanda ng avocado.  Dahil mayaman ang avocado sa monounsaturated fat na nakatutulong sa pagpapababa ng cholesterol sa katawan, dapat mas maging bahagi ito ng ating diyeta.  Di na lang panghimagas o pang-meryenda ang avocado dahil  puwede rin itong isahog sa ulam at maaari ring idagdag sa mga sandwich!  Abangan ang mga recipe na iyan.

Anumang pagtatago ang ating gawin, mayroon at mayroon pa ring makapapansin sa ating mga kili-kili.  Kung may problema kayo sa inyong kili-kili - kulay, kutis o amoy man iyan, manood sa Sabado! 

Kapag kainang Pinoy, dapat daw laging may kanin!  At sa Sabado, may mga ituturo kaming lutuin sa inyo na mas magpapasarap pa sa paglasap niyo sa di nawawala sa ating hapag.  Mga rice topping na mura, madaling ihanda at masustansiya, 'yan ang mga mapapanood niyo kung paano gawin sa aming Luto Lusog segment.  

Samahan si Connie Sison, Dr. David Ampil II, Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez sa isang umagang makapagpapalusog at makabubusog sa inyo! Panoorin ang Pinoy MD, August 24, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA-7.
Tags: plug, health