ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solusyon para sa kuliti, ibabahagi ng 'Pinoy MD'


Ang mga nagkakaroon nito, tinutuksong nanilip! Pero ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng kuliti o stye? Si Mica, di raw bababa sa tatlong beses isang taon kung mamaga, mangati at mamula ang kanyang mga mata sa loob ng isang taon.  May mga tao nga kayang mas madaling kapitan ng kuliti? Kailan dapat hayaan ang pamamagang ito at kailan naman dapat na ipakonsulta na sa doktor? Alamin ang sagot sa Sabado.

Minsan hindi kuliti ang nakapagpapaliit sa isang mata. Ang iba nating kababayang hindi pantay ang talukap ng mata, binabansagan namang kirat. Para sa mga doktor, hindi dapat basta ipinagwalang-bahala ang pagiging tila mas maliit ng isang mata. Ang mga may ganito kasing kondisyon, mas puwede rin daw na lumabo ang mata.
 
Pagkatapos mo itong lunukin, makikita mo pati ang kaloob-looban ng iyong katawan! Ang pillcam ay maliit na camera na maaaring inumin na parang kapsula. Dahil sa teknolohiyang ito, hindi na kailangang operahan ang mga may problema sa kanilang bituka para malaman ang sanhi ng kanilang sakit. Ang mga laging sumasakit ang tiyan o tagiliran o mga dinurugo, mas magkakaroon ng malinaw na diagnosis sa pamamagitan nito.
 
Kapag napanot ang isang lalaki, nawawalan siya ng buhok at karaniwang nababawasan ng kumpiyansa sa sarili. Pero ayon sa isang pag-aaral, hindi lang ang dalawang problemang ito ang dapat ipag-alala ng mga lalaking may hairloss. Ayon sa British Medical Journal nitong Abril, ang mga lalaking nasa edad 50 to 59 years old, mas maaari rin daw na magkaroon ng sakit sa puso at altapresyon! Maging maalam tungkol sa mga detalye nito dahil ang pagkapanot, naggagawan ng paraan, pero ang heart disease mas seryosong problema.
 
Tampok naman sa Luto Lusog segment—mga Pinoy favorite na pinya, manga at saging ang sangkap. Tiyak na matatakam kayo sa mga recipe na aming ituturo.
 
Kahit na di tag-araw pero basta inaalagaan ang balat ng  isang bata, maari pa rin siyang magkaroon ng bungang araw. Ano nga ba ang mga epektibong pangontra sa bungang-araw?
 
Bawat Sabado, serbisyo publiko ang inihahatid sa inyo nina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, siyempre sa pamamagitan ng pagdadala ng tamang health information. Mapapanood ang Pinoy MD, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.

Tags: plug, health, pinoymd