ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Home remedy para sa ubo at Sentao Zumba sa 'Pinoy MD'

Pitong taong gulang pa lang si Louie nang magsimulang lumaki ang kanyang tiyan. Dahil sa kanyang karamdaman, tila hindi raw siya nagkaroon ng “normal” na pagkabata. Ngayong labing-tatlong taong gulang na siya, kasinglaki na ng bola ng volleyball ang kanyang tiyan. Ayon sa mga doktor, sakit na schistosomiasis ang dahilan ng paglobo ng tiyan ni Louie. Isa siya sa tinatayang 2.5 milyong Pilipino na may mataas na tsansang magkaroon ng sakit na ito. Sa halos kalahati ng lahat ng mga probinsiya sa Pilipinas, laganap daw ang schistosomiasis. Paano nga ba maiibsan ang hirap ni Louie at ng iba pang tulad niya? Paano ba maiiwasan ang sakit na ito?

Para sa mga Kapuso nating may ubo, may mga ituturo kaming mga solusyon para mas mapagaan ang inyong pakiramdam. Di na kailangang pumunta ng botika, dahil sa pamamagitan lang ng paggamit ng honey maaari nang gumawa ng mga natural home remedies para sa ubo. Paano nga ba nakatutulong ang honey para mawala ang ubo? At ano ang dapat gawin para mas maging epektibo ito sa pagpapagaling?

Kapag dumating na sa edad kuwarenta ang isang tao, unti-unti nang bumabagal ang kakakayahan ng katawan niyang tumunaw ng taba. Samahan pa ng kadalasa’y maghapong paupo-upo lang, nagreresulta ito sa pagdagdag ng timbang. Para maiwasan iyan, ayon sa mga doktor at fitness expert, mahalagang mag-ehersisyo. Sa Sabado, ituturo namin sa inyo kung paano mag-Zumba Sentao. Isa itong klase ng Zumba na may gamit na upuan para maging kakaiba at mas masaya ang pagwo-workout.
Panoorin ang Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa darating na Sabado. Alas 6 hanggang alas 7 ng umaga, tumutok na sa GMA.
More Videos
Most Popular