Negative effects ng pag-inom ng kape at tofu recipes sa 'Pinoy MD'
Niyanig ng isang malakas na lindol ang Central Visayas noong October 15. Sa Bohol, halos dalawang daan na ang binawian ng buhay at tinatayang mahigit limang daan naman ang nagpapaggaling mula sa kanilang mga sugat. Para matulungang ang mga Boholano, ilang doktor mula sa Philippine Orthopedic Center ang tutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol. Panoorin kung paano babangon ang mga kababayan nating magpapakita na di sila basta patitinag sa anumang sakuna.
Ayon sa Philippine Coffee Board, siyam sa bawat sampung Pilipino ang aminadong mahilig sa kape. Kaya hindi nakapagtataka na mahigit sa dalawampung milyong tasa raw ang naiinom natin kada araw. Pero paalala ng mga doktor, dapat hinay-hinay lang daw sa pagkakape. Ang sobra kasing pagkakape, posible na maging addiction at magdulot pa ng ibang side effect. Nakakailang tasa kayo ng kape araw-araw?
Isa sa pinangingilagan at kinakatakutang kontrabida, sa telebisyon man o pelikula si Roi Vinzon. Sa katatapos lang na seryeng My Husband’s Lover, pinahanga niya ang mga manonood sa pagganap niya bilang si Retired General Armando Soriano. Ngayon naman, sa kalulunsad pa lang na GMA historical docu drama na Katipunan, gaganap naman siya bilang si Padre Villalon, ang mapang-aping prayle. Dahil matagal nang aktor, director at stunt coordinator, alam ni Roi na kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili para mas magampanan ang kanyang trabaho. Ipakikita niya sa atin kung paano siya mag-kick boxing at mag-weight training. May mga recipe ring ituturo si Roi, abangan iyan.
Sa isang pag-aaral ng United States National Cancer Institute, mas maaari raw na magkaroon ng lung cancer ang mga babaeng Asyano. Puwede raw kasing nasa lahi natin ang lung cancer gene. Ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang para di magkaroon ng sakit na ito ang pagkakaroon ng healthy diet. Para riyan, maganda raw na sagot ang tokwa! Kamakailan nadiskubre kasing may mga characteristic ang tofu para mapigilian ang kanser. Para sa mga bagong tokwa recipes, abangan ang aming Luto Lusog segment.
Pupunuin namin ang Sabado niyo ng impormasyong talagang mapakikinabangan. Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD; alas 6 hanggang alas 7 ng umaga, sa GMA.