ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Remedies for colds at healthy breakfast recipes sa 'Pinoy MD'




Ang pagkakaroon ng sipon, senyales ng pagbaba ng resistensiya ng isang tao.  Payo ng ating mga nanay, uminom ng maraming tubig at maglagay ng ointment para mas madali tayong makahinga.  Ano naman kaya ang iba pang mga tip ng mga eksperto para mas guminhawa ang ating pakiramdam kapag tayo’y may sipon?



Laging sinasabi, na ang almusal ang most important meal of the day.  Pero para sa maraming Pinoy ang breakfast, mahalaga man, mamantika naman!  Sadya raw kasing mahilig tayo sa piniritong mga pagkain na sa kasamaang-palad ay nakaka-altapresyon.  Kaya naman sa aming Luto Lusog segment, ituturo namin sa inyo kung paano magiging mas healthy ang inyong unang kinakain sa umaga.  Steamed tilapia with mango salsa, oatmeal caldo at carrot and cabbage pancakes—talaga namang matatakam kayo sa mga recipe na ito.



Dati mga babae lang ang mas conscious sa kanilang hitsura, pero iba na raw ang panahon ngayon dahil pati ang mga lalaki mas nag-aayos at nagpapaguwapo na rin.  Sa isang pag-aaral na ginawa ng Synovate Asia noong 2006, nalaman nilang sa buong Asya, mga Pinoy ang pinaka-vain.  Forty-eight percent daw o halos isa sa bawat dalawang lalaki dito sa atin, mataas ang kumpiyansang malakas ang kanyang sex appeal.  Para sa maraming mga daddy at kuya, di makukumpleto ang kanilang pagka-macho kung malaki ang kanilang mga belly.  Pero pagkahirap-hirap naman daw makakuha ng mga mala-pandesal na abs!  Sa Sabado, ipakikita naming ang mga makabagong paraan para matapyas ang kanilang taba sa tiyan.

Para sa mga gusto nang maghanda ng kanilang ipangno-Noche Buena, may suggestions kami!  Sa palengke man o sa hapag, lagi nating nakikita ang saging; mura kasi ito at tila walang pinipiling panahon para mamunga.  Sanay tayong gawin itong panghimagas o kaya pang-meryenda pero marami pang puwedeng lutuing sahog ang saging.  Para malaman ang mga iyan, manood sa Sabado.
 
Sa amin kayo makakukuha ng tamang impormasyon na magpapalusog sa inyong pamilya at magpapasarap sa ihahanda niyo sa kanila.  Sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang laging magbibigay ng serbisyo publikong iyan sa Pinoy sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug, health, recipes, food