ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bato sa bato, pag-uusapan sa 'Pinoy MD'


Walong baso ng tubig o higit pa – ganito raw karami ang dapat na iniinom natin araw araw para mapanatiling malusog ang ating katawan. Ang hindi pag-inom ng sapat ay puwedeng maging sanhi ng pamumuo ng bato sa bato o kidney stones. Lubhang masakit ang ganitong kondisyon at mahal din ang gamutan lalu na kung malaki na ang kidney stones at kailangan nang operahan. Alamin ang mga sintomas ng pagkakaroon ng kidney stones, at kung paano nga ba ito maiiwasan. Ipakikita rin ng Pinoy MD ngayong Sabado ang isang makabagong paraan para matanggal ang mga bato sa bato nang hindi kailangan ng gamot o operasyon.

Kung iisipin, tila napakadali lang naman gumamit ng astringent. Para matanggal ang nanikit na dumi, basain lang ng astringent ang kapirasong bulak saka ipahid sa mukha. Pero alam niyo bang may tama at maling paraan pala ng paggamit nito? Dapat din daw mag-ingat sa paggamit ng astringent kung hindi kayo tiyak sa mga sangkap nito. Maaari kasi kayong matulad sa isang nakilala ng Pinoy MD na di umano ay nasunog ang balat pisngi dahil sa maling paggamit ng astringent. Maaari pa kayang ibalik ang dating kinis ng kanyang kutis?

Para sa beauty queen-turned-actress at film producer na siMaria Isabel Lopez, hindi hadlang ang pagkaka-edad para mapanatiling maganda ang hubog ng kanyang katawan. Habang lumilipas nga raw ang mga taon, mas tinututukan niya ang kanyang kalusugan para mas magampanan niya nang mabuti ang kanyang mga gawain. Alamin ang kanyang mga sikretong pangkalusugan ngayong Sabado.

Gaya ng nakaraang mga linggo, muli na namang magpa-palengke raid ang Pinoy MD para malaman kung anu-anong masustansiyang putahe ba ang puwedeng iluto sa halagang 199 pesos lang. Sa tulong ng isang professional chef, magluluto tayo ng sinigang na ulo ng salmon, lean pork adobo with saba at chicken giniling with mixed vegetables – mga ulam na masarap sa tiyan pero hindi masakit sa bulsa.
 
Unahin ang kalusugan.  Manood ng Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. kasama nina Connie Sison, Internist Dr. Oyie Balburias, Cancer Surgeon Dr. Dave Ampil II, dermatologist Dr. Jean Marquez at OB-Gynecologist Dr. Raul Quillamor.