ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano nga ba tumaba? Alamin sa 'Pinoy MD'




Paano nga ba tumaba? Isa ito sa mga madalas itanong sa mga eksperto sa "Pinoy MD." Para sa maraming kababayan natin na di mawari kung paano tatapyasan ang naglalakihang bilbil, hita at braso, parang nakakainggit na magkaroon ng problema sa pagpapataba.  Pero ayon sa mga nakilala naming patpatin, di raw madali ang magkaroon ng katawang animo’y kawayan.  Bukod sa walang korte raw ang kanilang pigura, nangangamba rin silang may problema na sila sa kalusugan kaya’t di sila madagdagan ng timbang kahit ano pang gawin nila.

Madalas na binibigyan natin ng pansin ang kinis ng ating balat at ganda ng tubo ng ating buhok, pero paano naman ang ating anit?  Ayon sa mga dermatologist, kailangan nating tandaan na balat pa rin ito na dapat alagaan.  Kapag kasi hindi pinanatiling malinis at malusog ang anit, mas maaari tayong magkaroon ng balakubak, tighiyawat sa ulo at maging mga “alaga” gaya ng lisa at kuto.  Bago pa magkasugat sa kakakamot ng ulo, alamin natin ang mga subok nang paraan sa pag-aalaga ng anit.



Ngayong nalalapit na ang Semana Santa, mga patok na putaheng may isda naman ang bibida sa Masustansiya 199. Pasok sa budget at mayaman sa protina at Omega 3 fatty acids, ang mga recipe na ihahanda ng komedyanteng si Boobay at ng ating expert chef ang gigising sa inyong umaga.

Ngayong nagsimula na ang tagtuyot, marami sa atin ang pumupunta o nagpaplano nang pumunta sa beach.  Pero paano na lang kung hindi swimsuit-ready ang iyong katawan?  Para tulungan kayong maging fit at healthy, Ibabahagi ng actress, host at model na si Isabelle Daza ang kanyang mga sikreto.  Para malaman ang mga tip ng ating “Dabarkads”, manood sa Sabado.



Iba-ibang paksa pero lahat iisa ang layunin… ang mabigyan kayo ng impormasyong pangkalusugang mapagkakatiwalaan. Samaha sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Sabado.  Manood ng Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.