Hirap ka bang makatulog? Alamin ang posibleng dahilan sa 'Pinoy MD'
Kahit ba anong gawin niyo, hirap kayong mahimbing ng tulog sa gabi? Pakiramdam niyo ba’y lagi naman kayong pagod paggising? Importante para sa ating kalusugan ang magkaroon ng sapat at maayos na tulog. Ang mga kapos sa tulog, mas mataas ang tsansang maging sobrang taba, magkaroon ng sakit sa puso, sa bato at magka-diabetes. Kaya naman, mga solusyon sa inyong sleepless nights ang aming handog. 
Sa halagang di lalagpas sa P 199, mapapakain niyo na ng masarap at masustansiyang pagkain ang inyong pamilya. Ang tip namin this Saturday para magawa niyo iyan, gawing sangkap ang cream dory! Sa presyong P120 kada kilo, tiyak na marami kayong mailulutong ulam na mura, madaling ihanda at puno ng nutrisyon. Abangan ang aming mga cream dory recipe.
Para sa maraming babae, kapag sinabing kailangan nila ng “pap smear,” takot at kaba ang kanilang nararamdaman. Paniwala nila, hindi raw kasi kumportable ang sumailalim sa procedure na ito. Ang iba, naniniwalang nakakawala raw ito ng “virginity.” Pero ang marahil hindi nila alam, maraming malalalang sakit ang maaaring iwasan kung regular na magpapa-pap smear ang isang babae. Kaya naman panahon na para alamin ang katotohanan sa likod ng mga paniniwalang may kaugnay dito! Ilan lang iyan sa mga lilinawin ng mga eksperto sa Sabado.
Sa mga gustong magpaliit ng tiyan at puson pero walang masyadong oras na puwedeng ilaan para sa page-ehersisyo, may ituturo kaming 5-minute ab workout sa inyo. Sa tulong ng seksing Australian model na si Natalia Moon, matuto ng mga exercise na kahit sandali niyo lang gawin, nakatutulong pa rin sa pagtapyas ng taba.
Sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, ang kasama niyo kada Sabado sa Pinoy MD. Sila ang magdadala ng impormasyong nakapagpapaganda ng inyong health. Abangan ito alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.