ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga senyales ng gout at kontra-tanda tips sa 'Pinoy MD!'


PINOY MD
SABADO, JUNE 21, 2014
6:00 AM SA GMA 7


Ang gout ang pinaka karaniwang uri ng arthritis sa Pilipinas ayon sa Philippine Rheumatology Association.  Ang problema, marami sa mga dumaranas ng gout di alam kung ano ang kanilang kondisyon kaya’t hindi rin nila alam kung paano maiibsan ang dinaranas nilang sakit.  Ano-ano ang mga unang senyales ng pagkakaroon ng gout?  Alamin iyan sa Sabado.



Dahil madalas na ang pag-uulan, masarap na ulit humigop ng mainit na sabaw.  Lugaw recipes ang handog ng PMD sa Sabado at para mas healthy, may mga espesyal na sangkap ang mga recipe na aming ituturo.


Napagkamalan ka na bang mas matanda kaysa sa totoo mong edad?  Talaga namang nakastre-stress kung mangyari iyan! Ayon kay wellness expert Doc Oyie Balburias at kay dermatologist Dra. Jean Marquez, ang hitsura at lagay ng inyong balat, ngipin at pati ng inyong tindig o posture ay ilan sa mga dapat alagaan para mapanatili ang pagiging mukhang bata.  Ang mga kontra-tanda tips,  abangan sa Saturday. 


Kung hindi raw dahil sa exercise, maaaring di raw nakatuluyan ni Danica Sotto-Pingris, ang kanyang asawa na si Marc Pingris.  Sa gym daw kasi sila nagkakilala. Sa aming Healthy si Idol segment, ipakikita ni Danica kung paano pa nakatutulong sa kanyang pagiging ina at asawa ang pagtuon niya ng pansin sa kanyang kalusugan.  Nagluluto ng healthy meals at nagwo-workout ang mommy-of-two na si Danica at sa Sabado, ituturo niya ang kanyang mga tip sa inyo. 


Sa Pinoy MD,  mahalagang impormasyon para mapaginhawa ang inyong sakit sa katawan, mapabata ang inyong hitsura at para kumain kayo ng healthy -- iyan ang aming mga handog sa Sabado.  

Samahan si Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan, Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
Tags: plug, pinoymd