ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang dumi, pag-uusapan sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SABADO, JULY 26, 2013
6:00 AM

Kahit nakahihiyang pag-usapan, kung minsan, kailangan sa ngalan ng kalusugan. Sa Sabado, ang pag-uusapan natin, ang dumi at pagdumi. Para mas maintindihan natin ang tungkol sa ating stool, sasamahan tayo ng komedyanteng si “Betong” Sumaya at gastroenterologist na si Dr. Josef Carlo Lazaro. May anim na puwedeng maging kulay daw ang ating inilalabas, kabilang na ang brown, red, yellow at green. Maaaring maging iba-iba rin ang hugis at pagkabuo nito depende sa ating kinakain, iniinom, pag-eehersisyo at ating lifestyle. Ang hitsura, pati raw amoy ng ating dumi, marami raw masasabi tungkol sa ating kalusugan at kung maaaring tayo’y may karamdaman.

Ayon sa Department of Education, 32 sa bawat 100 na mga elementary public school students, maaaring tumitigil sa pag-aaaral dahil sa pagkakaroon ng problema sa paningin. Mula nearsightedness, astigmatism hanggang sa pagkaduling o pagkabanlag, maraming kondisyon ang puwedeng pagdaaanan ng mga bata. Ang labing-isang taong gulang na si Neslyn Sanchez, dalawang taong gulang pa lang pinagdudusahan na ang kanyang pagkaduling. Sa tulong ng Orbis Flying Eye Hospital, natulungan si Neslyn para maayos ang kanyang pagkaduling. Para malaman istorya ni Neslyn at kung ano ang tamang eyecare para sa mga bata, manood sa Sabado.

Ang kanyang pag-indak at paggiling, naging puhunan ng Kapuso nating si Rochelle Pangilinan para sumikat. Kinalaunan, nakita na rin natin ang kanyang talento sa pag-arte. Ngayon, mas marami pa ang napapa-wow kay Rochelle. Ang dati kasi niyang sexy pero medyo malaman na katawan, mas healthy at fit na! Nitong Hulyo, si Rochelle ang napiling cover girl ng isang sikat na men’s magazine. Alamin ang exercise routine ni Rochelle para mapanatili ang kanyang fitness sa aming Healthy si Idol segment.

Masarap lumantak ng mga pagkaing maanghang lalo na ngayong madalas umulan at malamig ang panahon. Para magkaroon ng sipa ang ating mga niluluto, karaniwang dinadagdagan natin ito ng sili. Pero hindi lang naman chillies ang puwedeng makapagdagdag ng sipa. Nariyan din ang paprika, curry at kimchi. May mga recipe kami na ituturo sa inyo na sangkap ang mga iyan, abangan.
Tuloy pa rin ang Serbisyo Totoo ng Pinoy MD sa pamamagitan ng aming Project Kalusugan. Sa tulong ng mga mababait na sponsors at mga doktor mula sa East Avenue Medical Center, nabigyan ng tulong medical ang mga taga-Barangay University of the Philippines Campus sa Quezon City.
Samahan sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
More Videos
Most Popular