ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga senyales ng sakit sa puso at diabetes, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Ayon sa 2009 Philippine Health Statistics ng Department of Health, ang sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. Nasa ika-walong puwesto naman ang diabetes. Ang mga sakit na ito ay non-communicable diseases o NCDs. Ibig sabihin hindi nakahahawa at unti-unting lumalala ang mga ito. Delikado, pero maaari namang maagapan ang heart disease at diabetes. Sa bahay, may mga paraan nang puwedeng gawin para malaman kung maaaring may ganito kang karamdaman. Ang ilan sa mga gagamitin, unan, walis tingting, at relo. Abangan ang aming tips sa Sabado.


Madalas, minamaliit ng marami ang ulam na ito. Pang masa raw kasi at para lang sa mga nagtitipid. Pero talaga namang di matatawaran ang sarap ng sardinas, kaya naman hinahanap-hanap natin ang lasa nito. Bukod diyan, makabubuti pa sa pagpapababa ng cholesterol at pangontra sa goiter ang sardines. Kaya naman sa aming Masustansiya 199 segment, ang aming handog ay sardinas recipes! Panoorin si Chef Dino Ferrari at alamin ang mga ituturo niya sa inyo.


Sa bawat buwan ng pagbubuntis, dapat may mga binabantayan at pinaghahandaan ang mga ina. Sa Sabado, may mga ibabahaging payo ang respetadong obstetrician-gynecologist at Pinoy MD host na si Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor sa mga Kapuso nating buntis. Ayon kay Dr. Q, mahalagang uminom ng folic acid ang mga nagdadalang-tao. Pinababa kasi nito ang tsansang magkaroon ng birth defects ang magiging anak. Di rin daw dapat kumain ng para sa dalawang tao ang isang mommy. Dapat daw hanggang 300 extra calories lang kada araw ang kanyang ikonsumo. Kapag kasi masyadong tumaba, mas puwedeng magkaroon ng gestational diabetes at iba pang sakit ang buntis. Iba pang mga payo para sa mga preggy, abangan sa Sabado.


Nasa lahi daw talaga nina Camille Pratts ang pagiging medyo chubby. Bukod dito, mahilig pa raw talaga sa pagkain ang kanilang pamilya. Kaya raw kung hindi niya titiyagain na magkaroon ng healthy lifestyle, tiyak raw na lolobo ang kanyang katawan. Sa Sabado, panoorin kung paano nagpupursige si Camille na maging malusog para sa kanyang trabaho at para sa kanyang anak sa aming Healthy si Idol segment.
Mga paksang-pangkalusugan handog nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
More Videos
Most Popular