ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Scoliosis, healthy recipes at iba't ibang home remedies sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO,  OCTOBER 18, 2014
6:00 AM


MAINIT AT MASUSUSTANSYANG SABAW




Isasama namin kayo sa isang biyahe palibot ng Luzon, Visayas at Mindanao sa Pinoy MD.  Gagawin namin ito sa pamamagitan ng pagpapatikim sa inyo ng mga pinakamasarap pero pinaka healthy na sabaw mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Matutunan ninyong magluto ng dinengdeng, inubaran nga manok, at tinolang tuna sa aming Luto Lusog segment.

SCOLIOSIS




Nagbibigay ito ng istruktura sa ating likod. Malaki rin ang tulong nito sa pagsuporta sa buo nating katawan. Kaya naman ang pagkakaroon ng baluktot na gulugod o scoliosis ay delikado. Hirap ang mga mayroong scoliosis lalo pa’t karaniwang epekto ng kanilang karamdaman ang hindi pagkakapantay ng kanilang mga balikat, balakang at spine. Kapag grabe ang kanilang lagay, puwede ring maipit ng kanilang mga buto ang kanilang baga at puso. Bago humantong sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang early detection. Kung ang bata ay nasa edad siyam na taong gulang, maaari nang makita ang pinaka-unang senyales na siya ay mayroong scoliosis. Sa Sabado, ang mga senyales na iyan ang pag-uusapan ng mga orthopedic expert. Ipakikita rin namin sa inyo ang isang makabagong uri ng surgery para sa scoliosis. Sa pamamagitan ng Magnetic Expansion Control o MAGEC System, hindi kailangang paulit-ulit na sumailalim sa operasyon ang isang mayroong scoliosis. Magnet lang daw ang gamit at ma-adjust na ang mga bakal na ilalagay sa likod! Ang mga iyan at iba pang tama at mahahalagang impormasyon tungkol sa scoliosis ay dapat abangan.

KIDNEY CLEANSE AND THYROID TONIC




Sa Pilipinas, ika-pito ang pagkakaroon ng end-stage renal disease sa pangunahing ikinamamatay natin. Tinatayang walong porsyento naman sa ating populasyon ay mayroong sakit sa thyroid.  Para tugunan ang mga karamdamang ito, mahalagang magpakonsulta sa doktor kung may mga nararamdamang unang sintoma. Pero importante rin na maaga pa lang ang umiwas na sa mga ganitong sakit. Kaya naman sa pangunguna ni alternative medicine expert Dr. Francisco Duque III at ng kaniyang grupo, tuturuan namin kayo kung paano gumawa ng mga health tonic para sa bato at thyroid.

HOME REMEDIES FOR DRY SKIN




Ang mga gawaing bahay, ang ating hanapbuhay o ang nararanasan nating panahon ay nagiging dahilan ng panunuyo ng ating balat! Naging problema raw noon ng ating Kapusong si Gwen Zamora ang pagkakaroon ng tuyot na balat, pero dahil daw sa mga anti-dry skin remedies na kaniyang ginagamit, mas malambot na raw ang kaniyang kutis ngayon. Ang ating dermatologist na si Dr. Jean Marquez, may solusyon ding handog para sa atin. Ang oil infusion, epektibo raw na makakapag-moisturize ng balat. Alamin ang mga paraan para mas maging malusog ang inyong balat sa Sabado.
 
Kalusugan niyo at ng inyong pamilya, ano man ang panahon, ang lagi naming inuuna.  Samahan sina Connie Sison, Dr. Dave Ampil II, Dr. Jean Marquez, Dr. Raul Quillamor at Dr. Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Abangan ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 AM sa GMA-7.