ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Anti-'haggardo versoza' tips kasama si Gardo Versoza sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO, October 25, 2014
6:00 AM on GMA-7


Mga kontra-haggardo versoza tip




Sa Pinoy MD, 'di lamang namin hangad na kayo’y maging healthy, kung 'di maging stress-free!  Siyempre mas mababawasan ang inyong alalahanin kung malusog ang inyong katawan. Bukod diyan, 'di na kayo magmumukhang pagod o sa ika nga ng usong expression ngayon “haggardo versoza!” Sa Sabado, walang iba kung hindi ang original Machete at Kapuso Dading nating si Gardo Versoza ang magbibigay ng payo kung paano makaiiwas sa sobrang pagkapagod.  Lagpas na sa kalendaryo ang edad ni Gardo pero talaga namang fit pa rin siya. Para sa mga lalaking gustong maging matipuno kahit pa sagad kung magtrabaho, abangan ang kontra-haggardo versoza tips ni Gardo sa Sabado.

Kalabasa dishes in 15 minutes




Ang winter squash o kalabasa, na lingid sa kaalaman ng marami ay isang prutas, mataas sa beta-carotene na mahalaga sa pagpapatalas ng ating paningin, pagpapalakas ng ating resistensiya at pagpapaganda ng kutis. Mayroon din itong  beta-cryptoxanthin, na isang anti-inflammatory ingredient. Maganda iyan para sa mga nirarayuma. Para sa mga nagdidiyeta naman, okay kainin ang winter squash. Nakabubusog kasi ito pero 'di gaanong nakatataba.  Alamin ang mga kalabasa recipes na sa loob lamang ng 15 minutes ay maluluto n'yo na.

Mga anti-sleep apnea
Ngayong madalas na lumamig ang panahon lalo na sa gabi, masarap matulog. Pero kayo ba o may kakilala ba kayong naghihilik? Ayon sa mga eksperto, kung sobrang lakas o sobrang dalas ng paghilik, maaaring senyales na ito ng sleep apnea o yung pagtigil ng paghinga ng mula limang segundo hanggang isang minute habang natutulog. Bukod sa paghihilik, senyales din ng pagkakaroon ng sleep apnea ang madalas na pag-ihi sa gabi. Para kontrahin ang sleep apnea, may mga ituturo kaming mga paraan sa aming 'Anong Sakit ba Ito' segment.

Ano nga ba ang dyspareunia?
Sensitibo ang paksa sa ating 'Usapang Babae' segment na mayroong kinalaman sa mga dahilan ng dyspareunia o masakit na pakikipagtalik. Maraming mga babae ang nakararanas nito pero 'di maunawaan ang dahilan. Ayon sa mga doktor, maaaring impeksyon, sakit o problema sa emosyon ang sanhi. Ang ating OB-gynecologist at Pinoy MD host Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor ang magpapaliwanag tungkol sa maselan pero mahalagang topic na ito.

Medical mission ng Philippine Air Force



Isang medical mission din ang bibigiyang pansin ng Pinoy MD. Sa pagkakatong ito, ito’y hatid naman ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force sa mga taga-Cavite.

Sa pangunguna nina Connie Sison, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Dr.  Oyie Balburias at Dr. Jean Marquez patuloy n'yo sanang unahin ang inyong kalusugan kasama ang Pinoy MD. Mapanonood ito sa  Sabado, 6:00 ng umaga sa GMA.