ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tapyas-taba tips sa 'Pinoy MD'


Pinoy MD
Sabado, November 15, 2014
6 AM sa GMA

TAPYAS-TABA TIPS
 
Sino ba naman ang ayaw matapyasan ng sobra-sobrang taba? Sa tulong ng siyensiya, maaari nang ilipat ang sobrang taba mula sa puwitan o sa hita, papunta sa dibdib o kaya sa mukha. Ang tawag dito, “fat grafting.” Meron na ring mga pag-aaral na nagpapatunay na may ilang mga pagkain na epektibong nakatutunaw ng taba. Para sa mga gustong sumeksi sa pamamagitan ng mga kakaibang paraan, panoorin ang Pinoy MD sa Sabado.
 
MGA PROBLEMA SA MENS
 
Dalawa hanggang dalawa’t kalahating kutsara lamang ng dugo ang normal na dami ng dugo na lumalabas sa isang babae tuwing siya’y nireregla. Katumbas ito ng paggamit ng dalawa hanggang pitong regular size na napkin na napupuno ng dugo. Pero kapag mas kakaunti o higit pa rito ang regla ng isang babae, dapat nang mabahala. Paliwanag ni obstetrician-gynecologist, past president ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society at Pinoy MD host na si Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, ang irregular na menses, lalu na yung sobra-sobrang pagdurugo, maaaring sintoma ng mga mas delikadong sakit sa reproductive system.  Alamin pa ang ibang impormasyon diyan, sa aming Usapang Babae segment.
 
SPA SERVICE NA PUWEDENG GAWIN SA BAHAY


Ngayong lumalamig ang panahon, tila mas masarap mag-relax! Samahan kami sa aming pagdayo sa Tagaytay City para alamin ang mga sikretong masahe at spa treatment na makapagpapalakas at makapagpapaganda. Ang gumamela at bigas puwede palang gawing foot scrub! Ang honey at pipino naman nakapagpapakinis ng kutis. Ang mga iyan at iba pang alternative medicine practices ang tampok namin.
 
MGA PAMPAGINHAWA SA UBO’T SIPON NG MGA BATA


Dahil na rin sa pagbaba ng temperatura ngayon, mas maaaring magkaroon ng sakit ang mga bata. Dagdag ni Pulomonogist- Internist na si Dr. Maricar Limpin, dahil hindi pa tuluyang developed ang immune system ng mga chikiting, mas madali silang kapitan ng karamdaman.  Kung naghahanap kayo ng mura pero epektibong pampaginhawa ng sipon at ubo ng mga bata, abangan ang tips namin sa Sabado.
 
Ipakikita at ipaliliwanag sa inyo nina Connie Sison, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Dr. Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez kung paano niyo puwedeng unahin ang inyong kalusugan. Panoorin ang Pinoy MD sa  Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.