ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga komplikasyong dulot ng diabetes, aalamin sa "Pinoy MD"




APRIL 18, 2015
SABADO
6 AM



Mga komplikasyong hatid ng diabetes
Mahirap at mahal magkaroon  ng  diabetes. Iba-ibang komplikasyon kasi ang maaaring ihatid nito sa ating pangangatawan. Kung anu-ano ang mga ito at kung paano makaiiwas sa matinding karamdamang ito, alamin ngayong Sabado.






Rice-all-you-kanin!
Sa hapag nating mga Pinoy, talaga namang 'di mawawala ang kanin! Dito tayo humuhugot ng enerhiya. Pero kapag naman napasobra, masama rin daw ang pagkain nito. Sa isang pag-aaral na ginawa sa Sri Lanka, sinasabing kapag daw hinaluan ng coconut oil ang rice, nahahati ang calories nito. Sa Sabado, ipaliliwanag ng mga eksperto sa nutrisyon kung totoo ba ito. Alamin din kung ano pang mga uri ng kanin ang puwedeng maging patok sa panlasa natin bukod sa white rice.




Gene testing is in!
Naging usap-usapan kamakailan ang pagpapatanggal ng mga obaryo ng Hollywood actress na si Angelina Jolie. Noong 2013, pinaalis rin niya ang kanyang mga dibdib. Ginawa niya ito dahil matapos suriin ang kanyang genes, nalamang sobrang taas ng tsansa niyang magkaroon ng kanser sa mga bahaging ito ng kanyang katawan. Ano nga ba ang gene testing? Ano-ano ang mga karamdamang puwedeng makita gamit ang paraan na ito? Paano at magkano ang pagsailalim sa prosesong ito?




Yasmien goes extreme!
Sa patuloy na pag-init naman ng panahon, talagang masarap magbabad sa tubig. Samahan ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa pagsubok sa mga patok na water activities. Alamin din kung paano makatutulong ang mga ito para magkaroon ng fit and fab body ngayong summer.






Tutok na sa "Pinoy MD" ngayong Sabado, 6AM. Makakasama ninyo si Ms. Connie Sison at ang mga Pinoy MD expert na sina Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at  Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor.
Tags: pinoymd, plug