ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga dahilan at paraan ng paggamot ng hika, alamin sa 'Pinoy MD'



AUGUST 22, 2015
 
SABADO, 6:00-7:00 NG UMAGA
 
Dahil sa panahon, sa alikabok o kaya sa ilang mga pagkain marami ang inaatake ng hika ngayon. Sa Sabado, bubusiiin ng mga eksperto sa Pinoy MD ang dahilan at paraan ng paggamot sa asthma. Isa sa mga maaaring makapagpapaginhawa sa tinatayang limang milyong Pilipino na asthmatic ang bronchial thermoplasty. Paano ito ginagawa?

 
Samahan ang sexy celebrity couple na sina Roxanne Barcelo at Will Devaugh sa pagsubok nila sa ilang integrative wellness treatments. Accupuncture para makapagpa-relax ng katawan at makapagpakinis at pabata ng hitsura ng balat? Puwede raw iyan. Maaari ring subukan ang intravenous nutrient therapy at heavy metal detox para mas maging healthy ang katawan.

 
Kahit nanay na at may busy career, puwede pa ring maging fit ang mga babae. Isa nga sa mga pinaka epektibong paraan para lumakas at maging sexy… ang mag-weightlifting. Paano niyo niyo magagawa iyan mga mommy?  May mga tip kami para sa inyo. 
 
Kung kakain man ng baboy, nirerekomenda ng mga doktor at nutritionist na lean meat ang lantakan.  Kung di niyo gusto ang mga bahaging mayroon niyan, may mga alternatibo naman daw na puwedeng gawing bahagi ng inyong diyeta. Ang mga dish na tampok namin sa Sabado, kamukha at di nalalayo ang lasa sa pork pero hindi nakapagpapataas ng cholesterol level sa katawan. Akala n'yo lang baboy, pero hindi!
 
 
Mapagkakatiwalaang impormasyon at makapagpapalusog na mga tip, hatid namin nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. 
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.