ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga mainam na pamalit sa kanin, tampok sa 'Pinoy MD'

September 5, 2015
PAMALIT SA KANIN: QUINOA AT COUSCOUS
Para sa maraming mga nagdidiyeta o kaya naman sa mga diabetic, talaga namang umiiwas sila sa pagkain ng kanin. Mas mabilis kasing napatataas ng carbohydrate na ito ang blood sugar level. Sa Sabado, ipakikita namin sa inyo ang mga puwedeng pamalit sa rice—ang quinoa at couscous daw, di n'yo na mami-miss ang lasa ng kanin . Ano kaya ang mga hatid na benepisyo ng mga ito? Alamin ngayong Sabado!



HEALTHY SI IDOL: MIKAEL DAEZ
Halos araw-araw, mapapanood sa telebisyon ang Kapuso actor at host na si Mikael Daez. Para raw sa kanya, ‘di puwedeng dahilan ang pagiging busy para hindi makapag-workout weekly. Sa ilang minuto lang nga raw, naisisingit niya ang kanyang pagwo-workout kahit pa wala siya sa gym. Alamin mismo kay Mikael kung ano ang fitness moves na iyan!


URIC ACID ALERT!
Mas sumasakit ang katawan kapag tumatanda o kaya naman kapag may kondisyong nararanasan. Para sa mga mataas ang uric acid, gaya na lang ng mga may rayuma o kaya may gout, hindi raw biro ang kirot sa kanilang kasu-kasuan. Mabuti na lang at may mga paraan naman para mapababa ang antas ng uric acid. Ipre-presinta naming ang impormasyong iyan sa paraang magaan at mas maiintindihan niyo.

Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor sa nangungunang health show ng bayan. Panoorin ang Pinoy MD 6 hanggang alas 7 ng umaga, sa GMA.
More Videos
Most Popular