ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpapalaki ng braso, ituturo ni Ken Alfonso sa 'Pinoy MD'



MGA PAMPALINAW NG MATA
 
Kung mas inilalayo n'yo ang diyaryo para lang makita ang inyong binabasa o kaya naman nahihirapan kayong maaninag ang ilang mga bagay tuwing dumidilim na, hindi kayo nag-iisa.  Marami, lalo na sa mga nagkaka-edad ang lumalabo ang mga mata.  Natural man ang paghina ng eyesight habang tumatanda, may mga paraan naman para mapigilan ang maagang paglabo ng ating paningin.  Sa Sabado may mga eyecare tip kami para sa inyo.   Ipakikita rin namin ang isang uri ng operasyon para sa katarata.  Laser na ang gamit para dito, kaya naman sa loob lang ng 15 minutes, tapos na ang procedure.

 

HEALTHY FINDS KASAMA SI CONNIE
 
Samahan si Connie sa paglibot niya sa isang weekend market sa Metro Manila.  Maraming mga organic at healthy finds ang makikita rito na talaga namang magugustuhan ng buong pamilya.
 

 
WORKOUT WITH KEN ALFONSO
 
Para sa mga lalaking nagpapaganda ng katawan, mahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga braso.  Kasi naman, talaga raw matipunong tingnan lalo na kung toned ang biceps.  Sa aming Healthy si Idol segment, ipakikita ni Ken Alfonso, bagong Kapuso actor na tampok sa Destiny Rose, ang ilang mga paraan kung paano mapalalakas ang inyong mga braso.
 
Siyempre sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang tagapagdala ng tamang health information sa inyo.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: pinoymd, plug, prstory