ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health benefits ng pagkain ng bulaklak, alamin sa 'Pinoy MD'


FLOWER RECIPES
 

 
 

Gaya ng mapapanood natin sa araw-araw na #KiligMuch episodes ng “Dangwa” sa October 26, super sarap talaga ng feeling ng may nag-aalay sa‘yo ng mga bulaklak lalo na kung mula sa minamahal.    
 
Pero bukod sa pagiging symbol of love ng mga ito, alam n’yo ba na maraming makukuhang health benefits mula sa flowers kung isasama ito sa favorite dishes n’yo? Ihanda na ang lapis at papel dahil hatid ng Pinoy MD ang mga flower recipes na puwede n’yong subukan. 
 
FLOWER SPA
 

Kung ang mga bulaklak ay nakagaganda ng paligid… alam n’yo ba na ayos rin ito bilang pamparelax ng ating pagod na katawan?   
 
Abangan ngayong Sabado para masubukan n’yo.  
 
COLORFUL RICE
 

Para sa mga gustong magpababa ng blood sugar, magpapayat at mas gumanda ang digestion, kailangang magbawas ng pagkain ng white rice. Kung hindi iyan ang isasama sa diyeta, tampok ng Pinoy MD ang iba’t-ibang uri ng kanin na may kakaibang kulay.   
 
Hindi prinoseso ang mga bigas na ito kaya raw mas nananatili ang nutrisyon.
 
LABANAN ANG DENGUE
 

Tinatayang mahigit 55,000 na ang bilang ng mga kumpirmadong dengue cases sa bansa ngayong taon.   
 
Ayon sa Department of Health, ang mga may pinakamataas na antas ay ang Region IV-A at National Capital Region.   
 
Iligtas ang sarili at pamilya laban sa dengue!  Alamin ang mga dapat gawin ngayong Sabado. 
 
Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan—PINOY MD tuwing Sabado, 6am sa GMA.
Tags: plug, pr, prstory, pinoymd