ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Healthy food trip kasama si Arianne Bautista


Healthy Finds sa Legazpi Weekend Market


Samahan si Arianne Bautista sa kaniyang Sunday trip to Legazpi Weekend Market para maghahanap ng yummy treats na tiyak na ma-eenjoy na, mabuti pa sa kalusugan.

 

Mag-Kape Ka Kaya!

Tayong mga Pinoy, ‘di kumpleto ang araw kapag hindi nakakapag-kape. Ngayong umaga, mas papasarapin pa namin ang inyong morning coffee break dahil sa mga natuklasan naming best coffee places. Alamin din ang iba pang health benefits nito. Kailan nga ba mabuti at masama ang pag-inom ng kape?

 
Healthy Christmas Gifts

Kung gusto n’yong magsimula sa pagiging health conscious or fitness buff ang inyong mahal sa buhay next year… narito ang ilang Christmas gift suggestions ng Pinoy MD.

 
The Doctor Is “IN”  feat. Dr. Mohammad Faheem Teves-Badr

Presenting Dr. Mohammad Faheem Teves-Badrhalf, 35, isang half Pinoy-half Afghan resident doctor ng  De Los Santos Medical Center. Bukod sa kanyang good looks, paborito si Doc Faheem ng kanyang mga pasyente dahil sa kanyang sense of humor. Priority ni doc ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan kaya ilang tips sa diet at exercise ang hatid n’ya ngayong Sabado.  

Samahan sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan, ang Pinoy MD, Sabado 6 a.m. sa GMA.