Mga importanteng impormasyon sa Zika virus, alamin sa 'Pinoy MD'
PMD HEALTH NEWS: ZIKA VIRUS

Noong Lunes, nagdeklara ng isang global health emergency ang World Health Organization dahil sa pinsala na dala ng Zika virus.
Mahigit limampung taon na mula nang madiskubre ang sakit na ito, pero nitong mga nakaraang buwan lang ito kumalat nang lubos.
Ang magandang balita, wala pang naitatalang kaso ng Zika virus sa Pilipinas.
Pero dahil ang lamok na nagdadala ng dengue ang siya ring carrier nito, kailangan nating mag-ingat.
Ano ang mga sintoma ng sakit na ito? At ano ang mga puwedeng gawin para mas bumaba pa ang tsansang magkaroon nito?
#SmilePaMore

Ayon sa Philippine Dental Association, tinatayang siyam sa bawat sampung Pilipino ang may dental caries. Lalo pang problema ang pagkabulok ng ngipin sa mga bata.
Sa Sabado, magbibigay ang mga eksperto ng payo sa kung paano maaalagaan at mapananatiling cavity-free ang ngipin.
GUILT-FREE BURGERS

Ang sarap kumain ng paborito nating burgers ‘ba? Pero lahat ‘yan madadagdag na sa ating timbang…at makikita pa bilang bilbil sa tiyan.
Pero sa Sabado, abangan ang ilang healthy burger suggestions na puwede n’yong i-enjoy na walang halong guilt feeling.

At mahilig ka rin ba kumain bago matulog? Naku, bukod sa nakatataba, maaraming masamang epekto ang habit na ‘yan. Pero kung healthy ang kakainin, puwedeng-puwede pa ring kumain. Alamin ang Ilang pre- bedtime snack recipes na ituturo ng Pinoy MD.
Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD. Mapapanood iyan, Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.