ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pangangalaga sa mga mata ng mga chikiting, alamin sa 'Pinoy MD'


WEARABLE FITNESS GADGETS

Sports bra na mamo-monitor ang iyong heart rate at calories burned.  T-shirt na imo-monitor ang iyong pag-eehersisyo.  Ilan lang iyan sa mga makabagong mga gamit na puwedeng makatulong sa atin sa pagpapa-healthy.  

Wearable tech at iba pang gadgets, makikita niyo iyan sa Sabado.

EYE CARE FOR KIDS

Huwag masyadong lumapit sa TV.  Di dapat magbabad sa paggamit ng gadgets.  
Ilan lang iyan sa mga karaniwang paalala ng mga magulang sa kanilang mga anak para mapangalagaan ang kanilang mga mata.  

Sa Saturday, magbabahagi kami ng iba pang mga eyecare tips para sa mga bata.

IT IS TIME FOR V-TALK!

May mga bagay na nakahihiya pero mahalagang pag-usapan kapag may kinalaman sa kalusugan.  Para sa mga babae, puwede riyan ang pagkati at pangangamoy ng maselang bahagi ng kanyang katawan.  

Ano nga ba ang maaaring dahilan ng mga ito?

PMD HEALTH NEWS
Noong nakaraang taon mahigit 200,000 ang nagkaroon ng dengue sa Pilipinas.  Ang nakalulungkot, taunan na natin itong problema.  

Maraming puwedeng gawin para makaiwas sa sakit na ito pero ngayon umaasa ang mga eksperto sa kalusugan na lubos na mababawasan ang mga magiging biktima ng karamdamang ito dahil sa dengue vaccine.  Mabibili na ang dengvaxia sa mga botika at ospital ngayon.  

Para sa dagdag pang detalye tungkol diyan, abangan ang Pinoy MD.

Pagpatak ng alas sais, Sabado ng umaga, panoorin na sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa pagbabahagi ng impormasyong kalusugan na dapat ninyong malaman.

Tags: plug, pr, prstory, pinoymd