ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tips para mas maging flawless ngayong summer, alamin sa 'Pinoy MD'


Kapag bakasyon, mas maraming oras para maka-bonding ang pamilya at para rin maalagaan ang sarili.  Sa Sabado sa Pinoy MD, ipakikita ang ilan sa mga puwede niyong gawin para mas magkaroonng healthy summer!


Sa panahon ng pagsli-sleeveless shirts at pagsusuot ng mga swimsuit, siyempre mas maganda kung flawless!  Pero paano na lang kung ang likod, tinitighiyawat o kaya ang ibang bahagi ng balat may malangis na bukol?  

Sa tulong ni Dra. Jean Marquez, resident dermatologist sa ating programa, maiintindihan natin kung ano at kung paano maalis ang bacne at sebaceous cysts.


Uling, kape at buhangin na binalot sa loob ng dahon ng saging, mga kakaibang sangkap sa pagpapaginhawa. Ang mga spa treatment na ipriprisinta namin sa inyo, makatutulong sa pagpapawala ng stress. Kung kumikirot ang mga kasu-kasuan at muscle, ang mga ito rin daw ang solusyon.


At fish recipes na kagaganahan ng pamilya ngayong Holy Week o anumang araw. Mayaman sa protina at iba pang mga bitamina kaya naman talaga dapat na maging parte ng diyeta.

Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6:00 AM kasama siyempre sina Connie Sison, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Dave Ampil II, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez.