ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health benefits ng spa treatments, alamin sa 'Pinoy MD'


 

MAY  21, 2016
SABADO
6 HANGGANG 7 NG UMAGA

Tuloy ang Healthy Summer Adventure dito sa Pinoy MD!

Kapag ginawa mo ito, mas maaaaring lumusog ang iyong puso, mas puwedeng tumalas ang utak at mas magiging malapit pa kayo sa inyong pamilya.  Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo… mamasyal na!

Sa Sabado, dadalhin kayo ng Pinoy MD sa dalawa sa mga pinakamalapit na probinsiya na magandang puntahan, sa Metro Manila.

Nariyan ang Bulacan.  Mag-enjoy kasama ang comedienne na si Maey Bautista sa mga fun resort na matatagpuan dito.  
Napasarap ang Kapuso natin sa pagswi-swimming sa wave pools at pagpapa-foot-spa.  Ikaw susubukan mo ba?

Si Bubble Shaker naman na si Denise Barbacena, mas nagpakinis pa ng balat sa Pampanga.  

Sa sand steam, hot spring at spa na mapupuntahan dito… mawawala na ang iyong dead skin cells, mas mare-relax pa ang iyong kasu-kasuan.

Samahan si Connie Sison at ang mga doktor ng bayan, sa pagbibigay sa inyo ng tips sa paglalakbay at sa pagpapalusog.  
Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

Tags: pr