ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lugaw na mas pinasustansiya, ihahain sa 'Pinoy MD'


JUNE  25, 2016
SABADO / 6 AM  

Dahil talagang ramdam na natin ang tag-ulan, kay sarap na ring humigop ng mainit at nakabubusog na lugaw.  Sa Sabado, ituturo namin sa inyo kung paano makagagawa ng lugaw gamit ang mas masustansiyang mga sangkap.

Excited na ang lahat sa pagbabalik ng telefantasyang Encantadia.  At isa sa mga inaabangan ay ang kanilang matitinding fight scenes gamit ang arnis. Alam n’yo bang bukod sa self defense, marami ring  benepisyo sa katawan ang paggawa sa sinaunang Pinoy martial art na ito.  Nang sinubukan ni Kapuso actress at host na si Arianne Bautista ang pag-aarnis, matinding workout daw ang kanyang naranasan.  Nag-cardio na, nag-feeling sang’gre pa!

Kapag pinabaunan ng pagkain ang mga bata ngayong pasukan, dapat siyempre masustansiya at yung tiyak ding magugustuhan nila. Ngayong Sabado, abangan ang quick and very easy gawing meatless sandwich recipes.

Ngayong Sabado, mga lutong masustansiya na sinamahan ng workout ng artista, iyan ang mga pinagtuunan namin ng pansin para sa inyo.  Manood ng Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 iyan ng umaga sa GMA.