Fitness at beauty secrets ni Isabel Granada, alamin sa 'Pinoy MD'
JULY 30, 2016
SABADO
6 HANGGANG 7 NG UMAGA
How To Be You, Isabel?
Iyan ang madalas tanungin sa dating That’s star at ngayo’y hot momma na si Isabel Granada. Pero bago pa raw niya naabot ang fit and fab n’yang pangangatawan, ilang sakit muna nag kanyang pinaglabanan. Mula noon, tinuluy-tuloy na n’ya ang pagiging healthy…at hanggang ngayon--sexy!
Exciting ang balik-alindog tips ni Isabel kaya abangan ngayong Sabado!
_2016_07_29_13_23_43.jpg)
_2016_07_29_13_23_29.jpg)
Sipon o Trangkaso?
Sa mga masama ang pakiramdam ngayon, sipon man iyan o trangkaso, may mga impormasyong na dapat tandaan para 'di na lumala ang karamdaman. May dagdag pang home remedy tips si Connie na kayang-kaya niyong gawin sa bahay.


Mag-Relax sa Bukid!
Para naman sa isang kakaibang weekend experience, isama ang pamilya sa isang farm na dinayo ni Kapuso comedienne Divine sa Angat, Bulacan. Bukod sa vegetable planting, puwede rings magpakain ng ilang mga hayop sa bukid at gumawa ng ilang mga produkto mula sa nature. At may bonus pang spa na gamit ay organic materials para pawiin ang pagod nating katawan. H'wag palampasin!
_2016_07_29_13_22_17.jpg)
_2016_07_29_13_21_55.jpg)
PMD’s Chicken Soup Recipes
Masarap higupin, nakabubusog at nakatutulong din daw para gumaling kung may sakit. Ilan lang iyan sa mga dahilan kung bakit mas dapat pang magluto at kumain ng chicken soup. Sa Saturday, abangan iyan.
_2016_07_29_13_18_21.jpg)

Lagi kayong may matututunan mula kina Connie Sison, Doc Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez, sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Manood ng Pinoy MD sa Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.